Ngunit ipinagtanggol ni Ruth si Lastikman at sinabing si Jared ang totoong naghahasik ng kaguluhan sa daigdig. Bilang patunay, ipinakita ni Ruth kay Amon Labao ang batong Liwata na nasa kwintas ni Miguel, na bigay ni Irroian. Naglalaman ang Liwata ng mga nakaraang pangyayari.Itinapat ni Amon Labao sa kanyang noo ang Liwata at nalaman niya ang buong katotohanan.
Kaya naman nanghingi siya ng paumanhin kina Ruth, at ipinadakip ni Amon Labao sa kanyang mga tauhan si Jared a.k.a. Agaddon upang parusahan sa Harraio.
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Ngunit may binabalak itong si Jared. Bumalik siya sa anyo niyang Harraian at nakipag-ugnayan kay Amon Labao. At upang makaligtas sa kanyang pagkakasala sa planetang Harraio, sinabi niyang hinanap at nakita niya ang taga-lupang si Ruth pati na ang naging anak nito na si Miguel, na siyang nagiging Lastikman, at naghahasik ng kaguluhan sa planetang daigdig.
Lingid sa kaalaman ni Amon Labao, ang ipinapakitang Lastikman ni Agaddon ay ang halimaw na ginawa nito, si Morphino na nag-anyong Lastikman!
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Gamit ang lahat ng elemento ng daigdig - apoy, lupa, hangin, tubig at lamig, nagawa niyang makipaglaban kay Lastikman.At habang nababalot ng yelo si Lastikman ay nagawa niya itong suntukin at tumagos ito kay Lastikman!
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Ayon na rin sa nakaraan nilang pag-uusap ni Jared, maaaring nasa bulubundukin ng Quezon si Jared at doon siya maaaring matagpuan ni Lastikman. Nagpasalamat naman si Lastikman kay Ayessa.
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
...nang biglang dumating si Jared at pinatalsik siya!
Tinanggal ni Jared ang yelong nakabalot kay Ruth, at matapos iyon ay nagalit siya kay Frosta.Bilang parusa, gamit ang matinding init at matinding lamig, ay nagawang putulin ni Jared ang mga braso ni Frosta.
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Episode 85 (Jan 18) - Mars Ravelo's Lastikman
0 comments Posted by Ethanne at Sunday, January 20, 2008
Ngunit binuhay si Lastikman ng Liwata ni Jared at ng bato na nasa kwintas ni Lastikman na bigay sa kanya ng kanyang amang si Irroian.
Ngunit desidido si Jared na patayin si Lastikman. Kaya sa pamamagitan ng Liwata, kinuha niya ang mga elemento ng daigdig upang maging lakas na gagamitin niya laban kay Lastikman!
Si Jared na nga kaya ang halimaw na papatay kay Lastikman?
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Episode 84 (Jan 17) - Mars Ravelo's Lastikman
0 comments Posted by Ethanne at Saturday, January 19, 2008
Pumunta sina Ruth sa spaceship/opisina ni Jared. Kumuha si Ruth ng mga gamot ni Jared, at itinurok iyon sa leeg ni Chikoy.
Resulta - Naging kamukha ni Jared si Chikoy!
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Episode 83 (Jan 16) - Mars Ravelo's Lastikman
0 comments Posted by Ethanne at Friday, January 18, 2008
Samantala, nangalap na ng mga kawal si Jared para sa kanyang pamumuno sa Pilipinas. Si Frosta ang punong tagapamahala sa mga kawal.Samantala, nakatakas si Cynthia sa hideout nila Jared at sa paningin ni Frosta na abala sa pamumuno ng mga kawal. Ngunit dahil ubos na ang gamot, nawala na ang kanyang pagpapalit anyo at naging si Ruth na muli.
Dumiretso siya sa bahay nila Miguel at nagpakilala bilang kanyang ina.
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Akmang sasalakayin na ni Frosta ang walang kalaban-laban na si Lastikman ngunit pinigilan siya ni Jared. Hindi pa raw ito ang tamang panahon.
* Due to technical problems most of the videos are corrupted and can not be uploaded. Sorry for the inconvenience.
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Unti-unting pinapalamig ni Frosta ang klima. Bawat lugar na pinuntahan ay nagbubuga ng yelo at ginagawang yelo ang mga bagay.Si Miguel aka Lastikman ay unti-unti na ring tinatablan ng lamig, na hindi kayang labanan ng kanyang katawan kaya naman siya ay ginaw na ginaw.
Nanganganib na baka maging katapusan na nga niya ang pakikipaglaban kay Frosta, dumalaw siya sa sementeryo upang makipagusap sa amang si Caloy, ngunit pinuntahan siya doon ni Frosta.
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
Sa umpisa ay pinagaling muna ni Jared ang stroke ni Ayessa. Nakalakad ito at nakapagsalita ng maayos.
Matapos iyon ay saka ginawang halimaw ni Jared si Ayessa. Binigyan niya ito ng kapangyarihan ng matinding lamig.
Ngayon, si Ayessa ang pinakahuling taong gagawing halimaw na gagawin ni Jared. Si Ayessa bilang si Frosta!
Read more of this article
Labels: Mars Ravelo's Lastikman
