Google
 
Showing posts with label PBB Uber. Show all posts
Showing posts with label PBB Uber. Show all posts

Panandaliang nanatili si Season 1 ex-housemate Bianca Gonzales sa loob ng bahay ni kuya nang may isang pangyayaring bubuwisit sa mga housemates.


Isang bola ang biglang lumipad pabagsak sa tower na ginawa nila! At although hindi direktang tumama sa tower ang bola, tumalbog ang bola at saka tinamaan ang tower na gawa nila. Oh, my Gog talaga!



Samantala, pinapanuod ni kuya sa Big 4 ang mga beneficiaries nila.









Read more of this article

Papasok si Bianca Gonzales sa loob ng bahay ni kuya upang sorpresahin ang mga housemates! Magawa kaya niyang itumba ang ginawang "Tower of Coins" ng ating Big 4?


Habang nagpapraktis ng sayaw ang ating Big 4 with the Kung Fu Kids, palihim na nakapasok si Bianca at nakalapit sa tower. Akmang dadakmain na ni Bianca ang tower nang awatin siya ng ever vigilant na si Ruben, not knowing na joke lamang ito.




Pero may isang sorpresa pa si Kuya at ito ay para kay Bianca. Isang gift ang ibinigay ng mga Kung Fu Kids kay Bianca at ang nilalaman? Mga damit niya at lapel mic! Magiging special houseguest din ba si Bianca katulad nila Toni at Mariel?






Read more of this article

Bilang final task ng ating mga housemates, kailangan nilang bumuo ng isang tower sa pamamagitan ng barya na ibinigay sa kanila ni kuya.


Nagbigay ng P20,000 worth of coins si kuya upang gawing tore ng mga celebrity housemates. Sampung dankal ang dapat na maging height ng tore. Paano kaya nila ito gagawin?


Kailangang matibay ang tore at kailangang bantayan ng mga housemates ang tower of coins nila ng 24 hours. Hmm... may sisira kaya sa kanilang tower kaya kailangan itong bantayan?





Read more of this article

Bagong Taon, bagong buhay ika nga... At sa unang araw ng PBB Uber para sa taong 2008, guest ni Bianca si Baron Geisler, ang isa sa pinaka-controversial na celebrity housemate sa Season 2.


Pinagusapan nila ang tungkol sa New Year's resolution ni Baron, ang tungkol sa session nito sa resident psychologist ng Pinoy Big Brother, at tungkol sa mga kasama nitong housemates. Para kay Baron, ang kanyang Big Winner ay si Gaby.


Samantala, special task ng mga housemates ang pagbilang sa balde-baldeng barya na ibinigay sa kanila ni Kuya. Matapos itong bilangin ay ilalagay nila sa pool ang mga barya upang buuin ang insignia nila.






Read more of this article

Dahil New Year, ang special game ni kuya para sa ating mga housemates ay paramihan sila ng maipipintang polkadots sa katawan ng kapwa nila housemates.




Panuorin din ang interview ni Bianca kay Ethel Gabison.








Read more of this article

Dahil sa nalalapit na nga ang kasal ni Ruben, isang laro na may kinalaman sa kasalan ang ihinanda ni kuya para sa ating mga celebrity housemates. Tinawag niya itong "Kasal Kasali Saklolo".



Kailangang mahanap ng mga lalaking housemates ang kanilang "bride" na nakatago sa buong bahay. Hindi kasali si Ruben dahil siyempre siya ang totoong ikakasal. So sina Will at Jon lang. Teka, si Baron, nasaan?


Naunang makita ni Jon ang kanyang assigned "bride" (si Mariel) kaya talo si Will. Si Will si Ethel ang nakita, pero hindi naman si Ethel ang kanyang "bride", kaya magkakaroon sila ng "mock wedding".










Read more of this article

Dahil sa sakripisyo at kabutihang ginawa ng mga celebrity housemates para maging masagana ang noche buena ng isang taga ilalim ng tulay, isang masaganang pamaskong tanghalian ang ibinigay ni kuya sa mga housemates.







Samantala, nalalapit na ang kasal ni Ruben sa kanyang kinakasamang si Jeselle. Naghahanda na ang mga housemates para dito.








Read more of this article

Dahil ang spirit of Christmas ay pagbibigayan, namigay muli ang mga celebrity housemates ng mga regalo sa mga bata. Namigay na sila noong December 9, pero kakaunti lamang ang nabigyan kaya this is round 2.













Read more of this article

Dahil pasko, pampasko rin ang game ng ating mga housemates noong nakaraang Christmas Eve. Tinawag ni Big Brother itong "Christmas Bells Relay".



Lalakbayin ng mga housemates ang isang obstacle course habang may bells na nakasuot sa wrists at sa may knees. Syempre kailangang hindi tumunog ang mga bells dahil kapag tumunog ito ay uulit ang housemate mula sa simula.


At ang premyo ay may kaugnayan sa bells siyempre - dirty ice cream. :) Merry Christmas Housemates!








Read more of this article

Dahil napupunta na sa limelight ang mga inaanak na biik ng ating mga housemates, isang bonding session ang ipinagawa ni kuya. Binigyan niya ng painting materials ang mga celebrity housemates at kailangan nilang ipinta ang kanilang mga inaanak na biik.




Ngunit may mga interesado daw bumili ng mga biik ng ating mga housemates sa halagang P20,000. Kaya naman para hindi maibenta ang mga biik, task ng mga housemates ay maibenta nila ang mga paintings na kanilang ginawa. Kailangang lumagpas sa P20,000 ang kanilang total earnings para hindi na maibenta ang mga biik.


















Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!