Google
 

Here's episode 32 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Mainit ang ulo ni Stanley at si Audrey ang napapadiskitahan niya. Sinabi ni Angela na babalik na naman sa dating ugali ang tatay ni Audrey.

Ayaw papasukin ng mga guards si Marlene sa opisina. Sinabi ni Ingrid kay Marlene na wala naman daw proof na anak nga ni David si JR, nasaan na raw ang DNA test na pinagmamalaki ni Marlene.


Kumunsulta sa abugado sina Marlene (hahaha abugado ni Melanie sa Walang Kapalit) at sinabi niya na may laban naman sina Marlene. Pwedeng i-exhume ang mga labi ni David if need be, pero that will take time and money. At siguradong lalaban ng husto sina Ingrid dahil maimpluwensiya sila.

For the moment raw, frozen ang mga assets ni David kaya walang tatanggaping sustento sina JR.

Nagkita ng hindi sinasadya sina Audrey at JR. Sinabi ni JR na nakita niya kung paano alagaan ni Audrey ang kapatid niya (Robert ang name ng baby), pwede na raw itong maging nanay, maswerte raw si Dave.

Nagsasaya naman ang magnanay dahil naloko nila sina Marlene. (Itong si Ingrid, di ba she’s on medication for Bipolar tapos umiinom siya.)

Pero short lived lang ang pagsasaya nila dahil may sumadya sa kanilang taga US Embassy telling Elizabeth know na walang ang sole beneficiary ng pension ni David ay ang legal wife nito…si Marlene Dionisio Garcia. In your face, Liz!

May operation sina Dave at ng mga kasama niya. Nagkaroon ng barilan between them at ang mga NPA (I think). May mga natamaang civilians, pero na-i-save ni Dave ang isang batang babae. Binigyan siya ng commendation at ipapadala ulit siya sa isang mission.

Problemado sina Marlene kung saan sila kukuha ng pampa-DNA test. Nangutang ito ng pera kay Ramon. Dali-dali namang binigyan ng pera ni Ramon ang ina pero nawalan ito ng gana noong malaman niyang para na naman ito kay JR. Umalis ito kahit kadarating lang niya. Sinundan siya ni Rita.

Sa kakasunod kay JR, nakarating ito sa Sta. Mesa (I think) at nakita siya ni Leo.

Pag-uwi ni Ramon, nadatnan niya si Leo na nakikikain sa kanila habang masayang nakikipagkwentuhan sa nanay at lola niya. Walang kibo si Ramon the whole time na naroroon si Leo.

Finally, nasabi na rin ni Elizabeth kay Ingrid ang nalaman niya kaya kumunsulta sila sa abugado (Mang Harry, ikaw ba yan?). Kinumpirma ng abugado na si Marlene nga ang legal wife dahil nauna siyang nagpakasal kay David (October 26, 1991) kaysa kay Ingrid (October 28, 1991).

Iyak ng iyak si Ingrid. Galit na galit ito kay David. Sana raw kung nasaan man ito ay nakukuha niyang magdasal dahil pagbabayaran nila nina Marlene ang ginawa nilang ito sa kaniya. Masahol pa raw sa impyerno ang ipapalasap niya kna Marlene at JR.

Iminungkahi ni Elizabeth kay Ingrid na iurong ang demanda. Dahil raw baka during the course of investgation ay maungkat ng kampo ni Marlene ang tungkol sa pagiging legal wife nito.

Pumunta ang abugado nina Ingrid kina Marlene para sabihing iniuurong na nila ang kaso alang-alang na rin daw magandang alaala ni David. Bibigyan pa raw nila ng allowance at ng bagong bahay sina JR. Sinabi ni Rita na pag-iisipan nila…sa bago nilang bahay (HAHAHAHA!). Agad-agad na ibinigay ng abugado ang susi ng bagong bahay nina Marlene. Pero iko-contest pa rin daw nina Ingrid ang tungkol sa mamanahin ni JR.

Kuntento na si JR doon dahil at least daw nirerecognize siya bilang anak ni David. Kahit si Marlene ay medyo sang-ayon na rin sa anak. Pero duda pa rin si Rita sa intention nina Ingrid.

Mainit na naman ang ulo ni Stanley at nasaktan niya si Audrey. Ipinagtanggol ni Angela ang pamangkin kaya sa kaniya nagalit si Stanley at pinalayas siya nito. Ayaw namang sumama ni Audrey sa tiyahin dahil nangako raw ito sa ina na aalagaan niya ang mga kapatid.

After being given the runaround by Elizabeth, sumadya ulit ang taga embassy para makausap si Marlene. Walang maiproduce na Marlene si Elizabeth kaya sinabi niyang wala ito.

Biglang sumulpot si Ingrid at ipinakilala niya ang sarili niya as Marlene.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!