Google
 

Si Georgia pala ang may utos na dakpin si Mito at pahirapan. Nakuha din ng mga ito ang biniling engagement ring ni Mito para kay Ysay. Ngunit nagulat si Georgia nang malamang pinagpupukpok pala nila ang kamay ni Mito, na wala naman sa kanyang utos.


Dahil sa inip nila Ysay at Alex ay tinawagan na nila ito, at dito nalaman ni Ysay na nabugbog si Mito dahilan upang hindi makasipot sa sana ay proposal ni Mito sa kanya. Dali-dali silang nagpunta sa ospital kung saan dinala si Mito.




Grabe ang damage sa kamay ni Mito kaya matatagalan pa daw ito bago gumaling, at may posibilidad pa nga na hindi na gumaling.




As expected, hindi naging madali para kay Mito na tanggapin ang nangyari sa kanyang mga kamay. Pilit pa din niyang ginagawa ang mga bagay na nagagawa niya dati noong maayos pa ang kanyang mga kamay, ngunit lagi siyang bigo. Dahil dito ay lagi siyang bugnutin at kahit si Ysay ay napagbubuntunan niya ng init ng ulo.



Labis talaga ang pagmamahal ni Jordan kay Lima at handa niya itong patunayan kahit pa kay Victoria. Nagalit naman si Victoria dahil sa ayaw pa rin tigilan ni Jordan si Lima sa kabila ng mga banta niya dito. Pati ang mga katulong at guards ay pinagalitan ni Victoria.






Isang celebration ang inihanda ni Sophia para sa nalalapit na kasal nila ni Homer. Dumating si Victoria sa event na iyon. Dito niya ibinalita na nabili niya ang malaking shares ng Victoria sa pamamagitan ng isa sa kanyang mga corporations. Dito din nalaman ni Sophia na si Homer ay galamay ni Victoria sa loob ng Floriencia's nang hindi niya nalalaman. Galit na galit syempre pa si Sophia.









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!