Google
 

Labis na nasaktan si Andrew dahil ramdam niyang mahal pa din ni Ysay si Mito. Pag-uwi nito ng bahay ay naglasing ito. Sinita naman siya ni Victoria pero nilayasan niya lang ito.



Pinuntahan ni Andrew ang bahay nila Mito at kinausap niya ito. Nag-usap ang dalawa ng lalaki sa lalaki, at inamin ng dalawa na mahal nila pareho si Ysay. Ngunit para kay Mito ay hindi siya deserving para kay Ysay kaya ipinapaubaya na niya ito kay Andrew.




Nakita ni Victoria ang sulat na ginagawa ni Andrew para kay Ysay, kaya galit na sinugod ni Victoria ang bahay nila Ysay. Pinapalayas na niya ang mga ito.



Si Andrew naman ay nagmaneho ng mabilis. Tinawagan siya ni Ysay at nandun siya sa may breakwater na tagpuan nila. Pagkababa ng tawag ni Ysay ay tinawagan naman niya si Mito at sinabing magkita sila sa breakwater, ang kitaan dapat nila ni Ysay. Gusto niyang magkita sina Mito at Ysay. Matapos noon ay lalo niyang pinatulin ang takbo hanggang sa maaksidente nga siya.









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!