Google
 

Medyo nagpapakiramdaman sina Gillian, Andrew, Mark at Trish pagdating ng dalawa mula Maynila upang ibigay ang mga papeles na kailangan ng mommy ni Mark. Pagdating ng mommy ni Mark ay ipinapanuod sa kanila ang video ng commercial nila Trish at Mark. Nang oras na ng pagtulog ay pinagtabi ni Emma ang dalawang boys, si Trish sa Guest room at si Gillian naman ay sa may living room pinatulog.








Bago matulog ay naglinis muna ng mga kalat si Gillian at nagtapon sa labas. Sa labas ay nagkausap sina Emma at Gillian, at sinabi ni Emma na may relasyon na sina Mark at Trish. Medyo hindi nagustuhan ni Gillian ang narinig kaya nagpaalam na ito na papasok na ng bahay.


Nang lumalim na ang gabi ay bumaba si Andrew upang tabihan si Gillian. Nagdahilan na lang si Andrew nang magising si Gillian na malakas maghilik si Mark, at saka para daw may kasama siya kaya siya bumaba. Nang makatulog na ang dalawa, nakita sila ni Mark at lihim na nagselos.




Nang umuwi na ang dalawa kinabukasan ay nasiraan sila sa daan. Habang inaayos ang sasakyan ng driver ay nagusap naman sina Gillian at Andrew. Tinanong ni Andrew kung mahal ba ni Gillian si Mark, na hindi naman diretsahang sinagot ng dalaga. Sinabi na lang ni Gillian na magsyota na sina Mark at Trish.


Nalaman ni Mark mula kay Trish na sinabi ng kanyang ina kay Gillian na sila na ni Trish. Nagalit si Mark sa kanyang ina at inamin nito na si Gillian ang gusto niya. Nang sabihan siya ni Emma na isip-atsay, binalikan niya ang kanyang ina at sinabing kaya siya iniwan at ipinagpalit sa sekretarya ay dahil sa attitude nito.



Isang araw ay may kausap sa phone si Rose. May reunion ang kanilang batch at tuwang tuwa ito sa phone. Halatang ipinaririnig niya kay Mike na excited siya. Pagkababa ng phone ay nagkaroon ng palitan ng salita ang mag-asawa, na nauwi sa hamunan. Sabihin lang daw ni Rose kung ayaw na niya. Kung sasabihin naman daw ni Rose na ayaw na nga niya ay wala na raw magagawa si Mike.


Matapos ang diskusyon ay nag-empake na itong si Rose. Pinigilan naman siya ni Mike at nag-sorry sa mga nasabi nito. Umiiyak na pinigilan ni Mike si Rose, at sa huli ay nag-sorry din si Rose at nagka-ayos ang mag-asawa.




Paguwi naman nila Gillian at Andrew ay muling kinausap ng huli si Gillian at tinanong muli kung mahal niya si Mark. Wala naman daw panahon ang dalaga sa mga ganung bagay, at ano naman daw kay Andrew kung mahal niya si Mark. Dito inamin ni Andrew ang nararamdaman kay Gillian, sinabi niyang mahal na mahal na niya si Gillian, at kung mahal ni Gillian si Mike ay ititigil na niya ang nararamdamang iyon. Matapos sabihin ni Andrew iyon ay hinalikan niya si Gillian. Tiyempo naman dumating si Mark, at nakita niya ang dalawa na naghahalikan.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!