Google
 


Mars Ravelo's Lastikman on ABS-CBN is starred by "Jim Carey of the Philippines" Vhong Navarro. Kakaiba ang opening ng episode dahil ipinakita sa umpisa ng pilot episode ang "katapusan" ni Lastikman.







Si Lastikman ay anak ni Irroian (Tonton Gutierrez), isang Harraioan at ni Ruth (Dawn Zulueta) na isang abducted earthling. Pinagaaralan ng mga Harroian ang tao. Labis silang nababahala sa ugali ng tao dahil sinisira daw nito ang sarili nilang planeta (Earth). Mapanganib daw ang tao.

Ngunit minahal na ni Irroian ang nasabing tao (Ruth) kaya itinakas niya ito mula sa laboratoryo at itinago sa kanyang secret room. Ang isa pang nakakaalam nito ay si Agaddon (Ian Veneracion). Nagustuhan din ni Ruth ang ugali ni Irroian at may nangyari sa kanila. Sa loob lang ng 3 araw ay nagbuntis si Ruth at nanganak ng isang parang gelatin ngunit may pintig ng puso, kaya buhay ang nasabing "nilalang".

Pero may espiya pala ang pinuno ng konseho ng Harraio (na ginagampanan ni Gloria Romero). Natunton niya na si Irroian ang nagtatago ng tao. Hinuli ng konseho si Irroian, at pagkakita ni Agaddon sa paghuli ay itinakas si Ruth. Pero may nakakita sa pagtakas na iyon ni Agaddon, kaya inakala nilang si Agaddon ang totoong nagtatago sa tao at hindi si Irroian, kaya pinakawalan nila ang huli.

Labis namang nalungkot si Irroian sa pangyayari. Ngunit mabuti na lang at naiwan ang kanilang "sanggol", ang tanging alaala ng pagmamahalan nila ni Ruth, ang taong kanyang minahal.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!