Sorry for the delay. We had some problems with our Internet connection. Here's episode 59 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.
Nagkaka-flashbacks na naman si Dave, pinuntahan siya ni Ula at nagwala ito, ano raw ang nagawa ni Dave na mali? Nahimasmasan lang ito noong paulit-ulit na sinabi ni Ula na siya si Ula. Tinawagan ni Ula si Elizabeth.
(Ako na lang ang i-hire niyong mag-alaga kay Dave. Hehehehe.)
Sinabi na ni Arthur kay Marlene na siya siya ang legal wife. Nanlumo si Marlene sa narinig, pero masaya siya.
(Ano ang role ni Jodi dito, nakikingiti na lang kapag may magandang nangyayari?)
Umiiyak si Dave at sinabi niya sa lola na ayaw na siyang pakasalan ni Audrey.
Nalaman ni Elizabeth na umalis si Ingrid ng hindi niya nalalaman.
Marlene doesn’t feel it’s right na siya ang legal wife. Biro-biro lang naman daw iyon at hindi niya alam na tototohanin ng kaibigan niyang kapitan ang kasal nila. Hindi naman daw siya pakakasalan ni David talaga. Gustong makipagkita ni Marlene sa mga taga-Embassy para ipawalang-bisa ang kasal ni David. Karapatan lang naman daw ni JR ang habol niya, wala naman raw siyang balak agawin ang lahat sa kanila.
Sinugod sila ni Ingrid. Ayaw maniwala ni Ingrid na walang interes si Marlene sa kayamanan nila. Sinabi ni Ingrid na papatayin niya muna sila bago nila maagaw ang lahat sa kaniya.
Nakita ni Ingrid na naglalakad sina Marlene, Angela at Rita. Sinagasaan ni Ingrid si Rita.
Nashock naman si Ingrid sa ginawa niya. Lumapti si Ingrid at sinabi niyang hindi niya sinasadya. Pinagsasabunot at pinaghahampas si Ingrid. Dumating sina Elizabeth at Dave.
Dinala sa ospital si Rita. Desidido si Marlene na ipakulong si Ingrid.
Dinala sa presinto si Ingrid para kunan ng mugshot at fingerprints. Nagpost ng bail sina Elizabeth.
Nakagawa ng paraan ang doctor para makapuslit si Olivia sa clinic niya. Sinabi ng doctor na nakatimbre sila sa lahat ng mga ospital doon. Kung gusto nilang dalhin sa ospital si Olivia, sa Maynila na.
Nasa airport na sina Ramon, Nico at Olivia (LOL nakakatayo pa siya?). Nagkunwaring buntis itong si Olivia. Nahilo si Olivia kaya dinala nila ito sa banyo. Pag-alis nila dumating sina JR.
Nakita ni Ramon si JR pero hindi niya nakita ang mga ito (so mch for being a topnotch PMAer. LOL.). Nakita niya na nakatalikod si Ramon pero hindi siya nakilala ni JR. (Ano ba yan kapatid mo hindi mo kilala.)
Frustrated homicide daw ang kasong isinampa nina Marlene kay Ingrid (attempted homicide? I have a problem with the word frustrated…para kasing naiimagine ko nanggigigil iyong tao).
May nahuling isang babae ang mga militar suot suot ang damit ni Olivia. Nalaman nila mula dito na binayaran siya ng P5,000.00 para maglakad sa pier. Nalaman din nilang may kasama itong isa pang lalaki at isang babaeng buntis,
Nakapag-check in na sina Ramon bago dumating sina JR. Nakatanggap ng tawag si JR mula kay Angela para ibalita ang nangyari kay Rita. (LOL, naka-on ang cellphone niya? Paano kung may tinitiktikan sila sa isang tahimik na lugar, tapos biglang nag-ring ang cellphone niya? WAHAHAHAHA)
Biglang nagsuka si Rita (parang bumula ang bibig niya may rabies ata ang kotse ni Ingrid LOL). Tinutukan siya ng stethoscope ng doctor (ang tanga ng doktor, projectile vomiting = brain/skull damage). Hindi pa raw nila alam kung ano ang nangyari.
Pupuntahan sana ni Dave si Rita pero pinigilan siya ni Elizabeth. Sinabi na nito na si Marlene ang legal wife.
Tinawagan ni Ramon si Stan. Dineny ni Stan na siya ang nagsumbong sa mga militar. Siguraduhin lang daw niya na nagsasabi siya ng totoo or else papatayin niya ang buong pamilya niya.
Dumating si Audrey sa ospital. Maya-maya dumating si JR. Sinabi ni Marlene na papatayin daw niya si Ingrid, kahit makulong daw siya. Sinabi ni JR na may batas, hayaan daw niyang batas na lang magparusa kay Ingrid. Talaga raw batas ang paiiralin ni Marlene laban sa kanila.
Nasa Maynila na sina Ramon. Dumating si Stan para ibalita na nasa ospital si Rita (but not before Ramon almost shooting Stan).
Sinabi ni Audrey kay JR na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Dave. Pero nakikipaghiwalay pa rin siya kay JR.
Labels: Tayong Dalawa