Here's episode 68 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.
Nagpapasalamat sina Angela at Audrey kay Marlene. Ginawang assistant manager ni Marlene si Audrey (e anong mangyayari doon sa assistant manager?). Executive assistant naman ni Marlene si Angela.
Pinuntahan ni JR si Dave para makipag-usap.
Sinabi ni Marlene kay Audrey na hindi naman sila tutol sa relasyon nila ni JR pero kasi raw iyon ang pinagmumulan ng pag-aaway nina Dave at JR. Baka raw pwede siyang tulungan ni Audrey si Marlene na kausapin si Dave. Sinabi ni Audrey na mahirap iyon dahil galit sa kaniya si Dave.
Ipinaliwanag ni JR kay Dave na pilit niyang iniwasan si Audrey pero pinagtagpo sila ng pagkakataon. Ayaw daw niyang saktan si Dave, pero mahal daw niya si Audrey at hindi niya ito pakakawalan, kahit para sa kaniya, para kahit kanino pa man.
Kahit si Angela, napuna na iba ang tingin ni Marlene kay Dave. Hindi rin daw magawang magalit ni Marlene kay Dave.
Deadma lang si Dave. Kahit daw baliktarin niya ang lahat, inagaw lang niya si Audrey sa kaniya. Ipinamukha ni JR na siya ang nagligtas sa buhay ni Audrey pero siya nagpanggap lang (Geez JR, he was a kid, give hima a break).
Sa training nina Dave, naghallucinate ito at akala niya si Audrey ang sine-save nila. Nag-walk out na lang ang kawawang si Dave.
Nakipagkita si Manuel kay Rita. Bina-black mail niya si Rita. Limang milyong piso ang hinihingi ni Manuel. Tatlong araw daw.
Pinagalitan ng officer nila si Dave. (E ANG GAGO PALA NITONG SIR NI DAVE, HINDI BA NIYA NAISIP HINDI GULO ANG GINAWA NIYA?! HE’S UNDER PSYCHOLOGICAL DISTRESS?! NAGPADALOS-DALOS KA KASI SA PAGRE-RE-HIRE). Nakiusap si Dave pero hindi siya pinakinggan nito. Made-detain si Dave pending investigation. (For assaulting JR, kasi pinagsusuntok niya si JR noong pinipigilan niya ito.)
Nakiusap si JR sa officer nila pero sinabi nito na according to witnesses, si JR lang ang inatake niya (THAT’S BECAUSE SIYA LANG ANG PUMIGIL SA KANIYA!)
Dave might be dismissed from the army.
Ayaw pa ring makausap ni Dave si JR.
Pinuntahan ni Audrey si Ingrid. Sarcastic si Ingrid, kinongratulate niya si Audrey sa promotion niya. Sinabi ni Audrey na gusto lang niyang makipag-ayos at hindi niya niloko si Dave. Matagal na silang wala ni Dave noong naging sila ni JR. Tinawag ni Ingrid si Audrey na mukhang pera. Umiyak si AUdrey.
Nagsuntukan sa ring ang dalawang David Garcia.
To the rescue si Angela. Matapang na si Angela ngayon. Nakadressed to kill na si Angela. Nag-away sila pero to the rescue naman si Marlene. Binantaan ni Marlene si Ingrid na palalayasin niya ito. Nag-walk out si Ingrid.
Nag-usap sina JR at Audrey. (Hindi na ako nagpe-pay attention sorry.)
May gustong sabihin si Elizabeth kay Ingrid pero hindi niya masabi.
Niyayang lumabas ni JR si Audrey.
Lumabas nga sila…sa park naman sila nagpunta. Pwe!
At the same time, nagmamaktol naman si Dave.
Narinig ni Ramon na may nararamdaman pa si Greta kay JR. Ipinangako naman ni Greta kay JR na hindi sila magiging masaya.
Hindi makatulog pareho sina Elizabeth at Rita.
Sinabi ni Manuel kay Elizabeth na pineperahan lang niya si Rita at hindi niya ibubuko si Elizabeth.
Problemado si Marlene dahil sa mga problema sa mga supermarket branches nila. Humingi ng tulong si Marlene kay Ingrid. Pero hindi siya tinulungan ni Ingrid. Bahala raw maghanap si Marlene ng solusyon para malaman ng board kung gaano siya “kagaling.” Baka raw ipalit siya sa posisyon ni Marlene.
Malapit na ang deadline ni Rita kay Manuel.
Labels: Tayong Dalawa