Here's episode 87 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.
Nagalit si Audrey kay JR noong muli nitong sinabi na baka may kinalaman si Stan sa pagkakasunog ng bahay nila. Pinaalis ni Audrey si JR.
Nashock si Greta noong malaman niya ang nangyari. Sinabi niya kay JR na tulungan nila sina Audrey perso sinabi niya na tinanggihan ni Audrey ang tulong niya.
Pinuntahan ni Stanley si Audrey para sabihing malas siya. Paano raw nila aalagaan si Robert kung ang bahay nila hindi nila maalagaan. Ayaw ibigay nina Audrey at Angela si Robert dahil sila ang legal guardian. Sinabi ni Stanley na kukunin niya si Stan.
Naguilty naman si Stan noong sinisi ni Stanley si Audrey sa pagkakasunog ng bahay nila. Sinabi ni Stan na walang kasalanan ang ate niya.
Interesado naman si Greta sa operation ng business ni Ramon. Pumayag naman si Ramon. Tuturuan daw muna niyang humawak ng baril si Greta.
Nahuli nina JR ang teroristang bumihag kay Dave dati.
Nakalipat na sa apartment sina Audrey at binigyan sila ng groceries ni Dolores na galing kay JR pero hindi alam ni Audrey iyon. (Mga tanga, nagpark ba naman si JR sa harap ng apartment nina Audrey.)
Gustong umutang ulit ni Stanley kina Ingrid para makapagpatayo ulit ng bahay pero hindi siya pinautang dahil marami pa siyang utang sa kanila.
Nakilala naman ni Audrey ang isa sa mga magulang ng estudyante niya. Na-late kasi ito ng pagsundo sa bata dahil sa trabaho at wala na siyang ibang inaasahan dahil namatay na ang asawa nito. Nag-volunteer naman si Audrey na magbantay sa anak nito. Nasabi sa kaniya ng babae na ang mas masakit daw sa pagkamatay ng asawa niya, mahal nila ang isa’t isa pero dumating ang point na feeling niya nasasakal siya (and insert here lahat ng mga excuses ni Audrey kay JR) kaya siya umalis at doon binawian ng buhay ang asawa niya. Noon daw niya narealize na wala ng saysay ang lahat dahil wala na ang lalaking mahal niya.
Nakapag-isip-isip tuloy si Audrey. Blah blah blah. Babalikan daw niya si JR.
Nasundan ni JR si Nico. Nagkaputukan. Narinig ni Greta ang nangyari kaya naghanda siya. Nabaril niya si JR.
Napaso si Marlene kaya kinabahan siya. Huli daw niyang naramdaman noong nabaril si Dave. Biglang tumayo si Dave…lol hindi ko alam kung bakit. Ayaw tumigil sa kakaiyak ni Robert (LOL bakit nasense ba niyang nabaril si JR…hindi man lang ba nila naisipa na si Audrey ang magkapangitain).
Distracted si JR.
Tinawagan ni Marlene si Dave just enough to make sure na okay siya. Hindi nila macontact si JR. Tinawagan ni Marlene si Ramon habang minamaneho niya ang sasakyan kung saan dala dala nila si JR habang iyak ng iyak si Greta sa background. Nagdahilan si Ramon at sinabing nanonood sila ng drama sa sine.
Iniwan nila sa labas ng ospital si JR.
Malala ang lagay niya. Nandoon na sa ospital sina Marlene, Rita, Greta at Ramon. Tinawagan ni Marlene si Dave para ibalita ang nangyari. Akala ni Dave pinagbibintangan siya ni Marlene. Sinabi ni Dave na hindi siya interesado.
Nasense ni Ingrid na may problema si Dave. Dave casually said na nabaril si JR, tinanong ni Ingrid kung okay lang si Dave.
Sumugod sa ospital si Audrey.
Labels: Tayong Dalawa