Google
 

Here's episode 88 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Inoperahan si JR. Patuloy pa rin ang pagdadasal ng pamilya niya para sa kaniya. Kailangan niya ng kidney donor.

Tinawagan ni Ingrid si Elizabeth para ibalita. Worried si Elizabeth kay Dave pero walang pakialam si Ingrid, karma lang daw iyon.

Nakibalita si Dave sa taga-NBI kung may lead na sila tungkol sa pagkakabaril ni JR. Which is wala pa.


Nakokonsensiya si Greta kaya magbo-volunteer siya na maging donor ni JR kung magmamatch siya. Nagselos si Ramon pero walang paki si Greta. Ganoon din si Audrey, magpapablood test siya para malaman kung viable donor siya.

Nalaman ni Marlene na walang assignment si JR kaya hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Basta ang alam nila, pupuntahan niya si Stan.

Mas lalong naguilty si Audrey noong sinabi ni Dolores na kay JR nanggaling ang mga groceries…tapos kumanta si Gary V.

Nagpa-test na sina Ramon, Greta, Audrey at Angela para malaman kung pwede silang magdonate. Hindi raw pwedeng magdonate sina Rita at Marlene dahil sa edad nila.

Tinanong ng mga pulis kung nasaan si Dave the whole day, sinabi ni Dave na nasa trabaho siya at kahit itanong nila sa mga tauhan niya at tignan ang surveillance camera andun siya. Same with Stan, naroroon siya maghapon. Sinabi ni Dave na hindi niya kayang patayin si JR.

Ka-match ni Ramon si JR. Pero hindi raw niya alam kung gusto niyang i-donate iyon kay JR. Pinuntahan ni Ramon si JR at naalala niya noong mga bata pa sila.

Pinuntahan ni Audrey si Dave pero tinarayan siya ni Ingrid. Kung si Ramon nga raw hindi pumayag, what makes her think na papayag si Dave na magdonate. Pinalayas ni Ingrid si Audrey.

Ang sama raw pala ni Ramon, sabi ni Stanley. Nanganganib raw ang buhay ng kapatid niya hindi niya tutulungan? Mabuti nga raw at hindi na nagtatrabaho si Stan kasama si Ramon.

Nakiusap sina Marlene at Rita kay Ramon. Pumayag naman siya. Nalaman ni Greta na may plano si Ramon kaya siya pumayag. Pag ginawa raw kasi niya ito, magkakaroon siya ng habang buhay na utang loob si JR sa kaniya. Sinabi ni Greta na hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi nito, alam niyang ginagawa niya ito dahil mahal niya si JR. Saksi daw si Greta sa closeness nilang magkapatid noon at alam niyang nagi-guilty din si Ramon.

Tine-test na si Ramon para iprepare sa surgery.

Natigilan naman si Dave noong nakita niyang naka-dsiplay ang mga Air Force na laruan sa shelf sa supermarket.

Dahil sa asthma ni Ramon, hindi pala siya pwedeng magdonate.

Code blue daw si JR (pati si Ramon naiyak na rin). Lol, sabi nung isa, “Doc, code blue po.” HAHAHAHAHAH! Tapos tinignan lang ng doctor ang pulse niya. HAHAHAHAHAHA ulit.

Pang-13 sa waiting list si JR ng mga donors.

Disappointed si Ramon, akala kasi niya magiging bida na siya sa pamilya niya.

Pinuntahan ni Audrey si Dave para makiusap. Wa epek ang mga tears ni Audrey.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!