Google
 

Read the transcript of episode 83 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pinuntahan nina Miguel at Sofia si Vernon sa kulungan.
Miguel : Itay, kailangan mo talagang sabihin sa akin kung nasaan si Mommy. Delikado ang lagay nya ngayon, kailangan ko syang makita.
Vernon : Bakit ko naman gagawin ‘yon? E kung sa mga pulis nga hindi ako kumanta e, sa inyo pa kaya.
Miguel : Galit na galit sa kanya si Marko, gusto talaga syang patayin. Kailangan ko syang makita, kailangan ko syang protektahan.
Vernon : Hindi ako sigurado, pero lilipat kami ng ibang hideout, doon kami magtatago. Doon sa isang liblib na baranggay sa Rizal. Malamang doon sya pupunta. Bigyan mo ako ng papel
-Binigyan ni Sofia ng papel at ballpen si Vernon, at doon ay isinulat ni Vernon ang posibleng pinagtataguan ni Isadora.
Miguel : Salamat ‘tay
Sofia : Sasama ako kuya.
Miguel : Huwag na. Huwag kang sasama delikado. Ako na ang bahalang magkumbinsi kay Mommmy na sumuko ng maayos. Bumalik ka na lang sa ospital.
-Ibinigay ni Vernon kay Miguel ang papel na pinagsulatan ng address.
Miguel : Salamat ‘tay.
- Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakikinig pala sa kanilang pag-uusap… tauhan ni Marko.



Kaagad na itinimbre ng tauhan ang nalaman mula sa pakikinig sa usapan nina Vernon. Ipinahanda ni Marko ang kotse at sinabing sya lang ang pupunta.
Marko : Hindi ito trabaho, personalan ‘to. Ako mismo ang tatapos kay Isadora.

Dinalaw ni Scarlet ang wala pa ring malay na si Catherine, kinausap nito ang nurse
Scarlet : Tumaas na ba sa listahan si Mrs. dela Rhea?
Nurse : Ang alam ko po, nasa pang-anim na po sya. Konti na lang po. Sige po.
Scarlet : Salamat
-Lumabas na sa silid ang nurse. Umiiyak na kinausap ni Scarlet si Catherine
Scarlet : Narinig mo ba ‘yon? Nasa pang-anim ka na, konting konti na lang, mararating mo na rin ang number one. Huwag kang susuko hangga’t hindi mo nararating ‘yon ha? Napaka-competitive mong tao. Kaya siguro hindi tayo nagkakasundo noon pa dahil parehas tayo. Parati tayong nag-uunahan para makuha yung posisyon na ‘yon… maging number one para kay Papa, maging number one para kay Miguel. At least ngayon Catherine hindi na ako makikipag-agawan sa iyo. Sigurado ako kayang-kaya mong ma-survive lahat ng ito. Catherine (umupo sa gilid ng kama) Catherine, ang dami dami mo nang pinagdaanan… huwag kang susuko. Maraming nagmamahal sa iyo dito, marami kaming naghihintay sa ‘yo.

Nasa hideout si Isadora. Tila baliw na tumatawa habang isinisilid sa isang bag ang mga perang nakulimbat nya kay Scarlet, isinukat ang ilang alahas at hinahalikan. Hindi namamalayan ni Isadora ang pagdating ni Marko.
Marko : Isadora!
- Hinipan ni Isadora ang mga kandila at bitbit ang bag ng pera at lalagyan ng alahas na nagtago.
Marko : ISADORAAA! Demonyo ka. Alam kong narito ka. Kababae mong tao, daig mo pa ang isang demonyo. Dito ka lang galing sa TADYANG KOOO! KUNG TUSO KA, MAS TUSO AKO!
-Tinadyakan ni Marko ang pinto ng silid na kinaroroonan ng nagtatagong si Isadora.

Sa hospital. Tumawag si Sofia sa police station.
Sofia : Hello! Police Station ho ba ito? Si Sofia Castillejos po. Kailangan ko ng tulong nyo. Tungkol ho sa Mommy ko.

Hindi nakita ni Marko si Isadora kaya lumabas ito ng silid. Bumaba sa hagdanan si Marko, mahigpit ang hawak sa nakataas na baril habang naglalakad sa madilim na gusali. Pasigaw nitong tinatawag si Isadora. Biglang inagaw ng naroroon palang si Miguel ang baril na hawak ni Marko. Sa pag-aagawan ng dalawang lalaki ay makailang ulit na pumutok ang baril. Habang nagpapanambuno sina Marko at Miguel ay may ilang sasakyang dumating lulan siSofia at mga pulis. Nasa labas pa ng building ay tinatawag na ng kinakabahang si Sofia ang ina. Pumasok na sa building ang mga pulis, iba ang dinaanan ni Sofia papasok.

May pumasok na lalaki sa silid na pinagtataguan ni Isadora. Kaagad na tumayo at binaril ni Isadora ang lalaking pumasok, natumba ang lalaki.
Isadora : HAHAHAHA! Anong akala mo Marko, maiisahan mo ako? (muling binaril ang nakadapang lalaki) HAHAHAHA!
-Nilapitan ni Isadora ang inaakalang si Marko. Labis na nagimbal si Isadora nang makilala ang lalaking dalawang beses nyang binaril… si Miguel. Tinawag ng duguang si Miguel ang ina. Kinandong ng pumapalahaw sa iyak na si Isadora ang duguang anak.

Tumayo si Isadora at galit na galit na tinatawag at pinapalabas si Marko. Walang habas na pinaputok ng umiiyak na si Isadora ang kanyang baril. Muling nilapitan ni Isadora si Miguel, inilapag ang baril sa kanyang tabi at nakaluhod na iniyakan ang duguang anak. Hindi niya namamalayan na nasa likuran na nya si Marko.
Marko : Marunong ka palang umiyak. Lumalambot din pala ang puso mo. (dinampot ni Isadora ang baril ) Hup, hup bitawan mo yan! Nakatutok na ako Isadora. Isang angat mo, sasabog ang ulo mo. Bitawan mo yan. Bitawan mo yan! (binitawan ni Isadora ang baril, nakatalikod pa rin kay Marko) Tayo! TAYOOO!!!
Isadora : (tumayo at humarap kay Marko) HAYUP KA TALAGA!
Marko : MAS HAYUP KAAAA!!!!
-Patakbong lumalapit ang umiiyak na si Sofia
Sofia : Mommy!
Isadora : Sofia
Marko : Hup, hup!
-Nakadipa si Marko… nakatutok sa direksyon ni Isadora ang baril, sa kabilang kamay ay hawak ang granada.
Isadora : Sandali, sandali
Sofia : Kuya! Mommy huhuhu!
Marko : Dyan ka lang!
Sofia : ANONG NANGYARI KAY KUYA?
Isadora : Marko sandali, sandali, sandali Marko
Marko : Mamili ka! Ito (baril) para sa iyo o ito (granada) para sa ating lahat? Tutal kumpleto na ang pamilya mo. May bumulagta nang isa.
Isadora : Marko
Marko : At malamang, darating na ang mga pulis at huhulihin ako. At least bago dumating yun, at bago MANGYARI YUN nakaganti ako sa katulad mo. Sa katulad mong hayop.
Isadora : Sige, sige, sige na Marko sa akin na lang ha? Sa akin na lang. Sa akin na lang. Huwag mong idamay si Sofia ha. Marko, sige ako na lang.
Marko : Okay. Hindi ka nagkaroon ng pagkakataong humingi ng tawad at paalam sa anak mong si Miguel. Baka sabihin mo naman sobrang sama ko. Bibigyan kita ng pagkakataon na magpaalam sa isa mo pang anak.
Isadora : Marko.
Marko : GO!!!
Isadora : Sofia, anak patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan ko. Alam ko napakasama kong tao pero HUWAG NA HUWAG MONG KAKALIMUTAN… NA MAHAL NA MAHAL KO KAYO. SOFIA NARIRINIG MO BA AKO?
-Lalapitan sana ni Sofia ang ina
Marko : Hup, hup HUP DYAN KA LANG!
Isadora : Marko, Marko
Marko : Malalagas tayong lahat dito. DYAN KA LANG!
Isadora : Marko, Marko sa huling pagkakataon lang… parang awa mo na huhuhu. MAAWA KA!
Marko : Okay, okay.
-Senenyasan ni Marko si Sofia na lumapit kay Isadora. Mahigpit na nagyakap ang mag-ina sa huling pagkakataon, kapwa luhaan. Paulit ulit na sinasabi ni Isadora kay Sofia na mahal na mahal nya ang mga ito, at humihingi ng tawad. Binitawan na ni Isadora si Sofia at pinaaalis na ang anak.
Isadora : Marko, parang awa mo na. Huling hiling ko na lang huhuhu, nagmamakaawa ako kahit lumuhod ako sa iyo Marko. (hinawakan ni Sofia ang nakabulagtang kapatid) Kahit lumuhod ako sa iyo huhuhu. (lumuhod at nagmamakaawa kay Marko) Huwag mo lang idamay si Sofia ha. Puede ba, palayain na lang natin sya? AKO NA LANG! Huwag na natin syang idamay. Marko nagmamakaawa ako sa iyo. Patakasin mo na sya. Sige na. MARKOOO HUHUHU
Marko : Hahaha!
Isadora : Marko parang awa mo na
Marko : Walang problema
-Tumalikod at naglakad si Marko. Tumayo si Isadora
Isadora : Marko
-Humarap muli si Marko at binaril si Isadora… bumagsak si Marko… hawak ni Miguel ang baril. Inalisan ni Marko ng pin ang granadang hawak, nakita iyon ni Isadora. Inihagis ni Marko ang granada… sinalo iyon ni Isadora… yumuko si Sofia, yakap ang kanyang kuya… tiningnan ni Isadora ang mga anak sa huling pagkakataon… BOOM! BOOM! BOOM!

Sa hospital. Kasama ni Sofia ang kasintahang si Toby at mga kaibigang sina Jenna, Jester at Doms. Niyakap ni Jenna ang bestfriend nya, iyak ng iyak si Sofia.
Jenna : Kung may kailangan ka nandito kami ha.
Jester : Toby, huwag mong pababayaan si Sofia ha.
Jenna : Basta tumawag ka lang ha.
Doms : Sofia, dadalaw na lang kami ulit.
-Umalis na ang mga kaibigan nina Sofia at Toby. Magkaholding hands na naglakad palayo sina Jenna at Jester.

Nakatayo sa tabi ng kinahihigaan ni Miguel ang luhaang si Scarlet, kausap ang doktor
Scarlet : Kumusta na po ba yung lagay ni Miguel?
Doc : Actually ma’am may dalawang tama sya katawan, isa sa abdomen at saka isa sa likod. Tinamaan ng bala yung isang kidney nya, kaya nilagay namin sya sa dialysis.
Scarlet : Doc, kaya ba nyang ma-survive ‘to?
Doc : Ginagawa na po namin lahat ng aming makakaya. Depende na po ‘yon sa pasyente kung gugustuhin nya pang mag-survive.
-Hinawakan ng buntis na si Scarlet ang pinakamamahal na si Miguel, bahagyang niyakap, iyak ng iyak si Scarlet.
Doc : Excuse me po Mrs. Castillejos, may gusto lang po akong tanungin sa inyo. Si Mr. Castillejos ba ay isang organ transplant donor?
Scarlet : Oo. Bakit?
Doc : Kasi gusto ko lang hong malaman ninyo na nung isang araw… nagpa-test sila ni Cong. Raphael Torralba. At lumalabas na si Mr. Castillejos ang perpektong heart transplant donor kay Ms. Catherine.
- Lalong nanlumo si Scarlet sa nalaman mula sa doktor.

Hinawakan ni Toby ang kamay ni Sofia, wala pa ring tigil sa pagluha si Sofia.
Sofia : Akala ko… ubod ng sama ni Mommy. Akala ko nakalimutan na nyang maging tao Toby. Hindi pala.
Toby : Kahit anong mali ang ginawa nang Mommy mo, hindi siya nagkulang ng pagmamahal sa inyo. Naging ina pa din sya Sofia. At higit sa lahat, sinakripisyo nya ang buhay nya para sa inyo.
Sofia : Ano ba ang nangyayari sa buhay ko Toby? Dati lang, I had a good life… nag-aaral ako, maayos ang pamilya ko. I was happy. Pero ngayon wala na ang Mommy ko, nag-aagaw buhay naman si kuya Miguel at si ate Catherine. Toby they might die, wala na akong kasama Toby.
Toby : Shhh! (inakbayan ang girlfriend at niyakap) Sofia, hindi ka nag-iisa. Nandidito ako. Nandidito ako Sofia. Hinding hindi kita pababayaan.
-Hinagkan ni Toby sa noo si Sofia.

Kinakausap ng umiiyak na si Scarlet ang wala pa ring malay na dating kabiyak.
Scarlet : Miguel, sabi ng doktor kailangan mo daw lumaban para mabuhay. Kaya mo yun di ba? Baka kasi gusto mong mabuhay, huhuhu (hinawakan ang kamay ni Miguel at niyakap ) Miguel ipinapangako ko sa iyo… huhuhu hindi na kita aawayin, hindi na kita guguluhin, huhuhu I promise, mabuhay ka lang… huhuhu I’m letting you go huhuhu magiging malaya ka na. Alam mo pag nabuhay ka, lahat ng hihilingin mo ibibigay ko sa iyo… kahit pa si Catherine ‘yon. Kahit sya Miguel, ibibigay ko sa iyo. (hinalikan ang kamay ni Miguel, tumayo at masyuong niyakap ang mahal na mahal pa rin nyang si Miguel) Miguel, gagawin ko ang lahat huhuhu. Ganun kita kamahal. Kaya kong gawin lahat hanggang sa mabuhay ka, huhuhu iyon lang yung kailangan ko huhuhu
- (Kaasar ka Scarlet, ang hirap kayang magtext update ng umiiyak. Napakadakila ng pagmamahal mo kay Miguel, feel na feel ko huhuhu - Neneng)

Nasa tabi ni Sofia sina Toby at Louela habang kinakausap nya ang doktora na tumitingin kay Catherine.
Sofia : Anong balita sa heart transplant list, nasaan na si ate?
Dra. : Ikatlo na sya.
Louela : Bakit ang tagal? Nauubusan na sya ng oras.
Dra. : Kailangan nating maghintay ng namatay na healthy pa ang heart and even then kailangan natin i-check if valuable pa sya at ka-match sya ng pasyente.
Toby : Doc, wala na ba tayong puedeng ibang gawin?
Dra. : All we can do is wait and pray for a healthy heart for Catherine.
Male Nurse : Syanga pala Mr. Torralba, ready na ang results para doon sa pina-check ni Congressman. Please tell your brother that he has a healthy heart and he’s a perfect match for Catherine dela Rhea. (nagkatinginan sina Toby at Sofia) Unfortunately, unlike sa liver or kidney hindi puede ang live heart donor.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!