Read the transcript of the final episode of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.
May iniabot na sulat kay Raphael ang assistant niya… galing kay Catherine.
Mahal kita Raphael
Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Pero sa halip na pasayahin ka, wala akong binigay sa iyo kundi pasakit, kahit hindi ko sinasadya paulit-ulit kitang sinasaktan. Halos mawasak ang pangalan mo at nilagay ko sa panganib ang buhay mo. Hindi ako karapat-dapat sa iyo Raphael. Baka tama ang mama mo noon, “salot ako sa buhay mo”. Mahal na mahal kita Raphael. Pero hindi ako papayag na tuluyang mawasak ang buhay mo, kaya pakakawalan kita. I don’t deserve your love.
Goodbye Raphael
Nag-aalala naman si Louela kasi hindi nya makita sa buong bahay si Catherine. Tinawagan ni Louela si Raphael upang ipaalam na nawawala si Catherine.
Pumunta si Sofia sa dating bahay ni Lola Aura, pero hindi rin nya nakita doon si Catherine. May sulat na natagpuan si Sofia.
Dear Sofia,
Hindi na ako nakapag-paalam sa iyo, kaya hayaan mo na lang akong mag-goodbye sa sulat na ito. Naisip ko kasi kapag sinabi ko sa iyo ang gagawin ko… pipigilan mo ako, at hindi na ako makakaalis. Sofia, kailangan kong gawin ito. Madami akong nagawang pagkakamali, madami akong nasaktan, kaya kailangan ko munang lumayo para hanapin ang sarili ko. Para pagbayaran ang mga kasalanan ko. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, pero lagi mo sanang tandaan ‘to… na kahit nasaan man ako, lagi kang nandito sa puso ko. Mahal kita Sofia.
Ate Catherine
Magkatulong na pinamamahalaan nina Louela at Sofia ang hacienda Amadesto. Sa pagdaan ng mga araw ay lalong tumamis ang pagmamahalan nina Sofia at Toby. Masaya si Louela para kina Toby at Sofia.
Sofia : Parang bulang nawala si ate Catherine sa buhay namin. Sinubukan namin syang hanapin pero hindi kami nagtagumpay. Kami na lang ni ate Louela ang naiwan sa hacienda. Nangako kaming dalawa na papalaguin namin uli ang Amadesto, tulad ng dati. Ito ang gusto ni ate Catherine. Ito ang gusto ni Lola Aura. Tuloy pa rin ang buhay namin. Maraming nangyari sa mga susunod na mga taon.
Si Scarlet muli ang namumuno sa Dela Rhea Foods, nakaagapay pa rin sa kanya si Winnie.
Sa kulungan ay malungkot namang naaalala ni Vernon ang anak niyang si Miguel.
Si Louela ay tila naman may natagpuang pag-ibig sa asyenda.
Miguel ang ipinangalan ni Scarlet sa bunsong anak nila ni Miguel.
Nag-iisa si Catherine. Mula sa likuran ay may narinig siyang pamilyar na tinig “Masaya ka ba?”. Paglingon niya ay nakita niya si Lola Aura. Umiiyak na niyakap ni Catherine ang kanyang Lola.
Lola Aura : Magaling ka na ba Catherine?
Catherine : Lola. Lola, alam nyo po marami po akong natutulungang tao. Marami akong napapasaya, tinuturuan kong mag-aral, magsulat… sinisikap kong mabuti na gumanda at mapabuti ang mga buhay nila.
Lola Aura : Pero Catherine, habang ginagawa mo ‘yan, napapabayaan mo ang sarili mo. Paano kang magiging maligaya kung may malaking puwang sa puso mo.
Catherine : Iisa lang ang makakapagpatibok ng puso ko Lola, pero hindi ako karapat-dapat para sa kanya.
Lola : Mahirap patawarin ang mga taong nakapanakit sa atin. Higit na mahirap patawarin ang ating mga sarili. Pero sana matutunan mong gawin yan, dahil sa paraang yan ka lamang maaaring lumigaya at mabuhay ng tahimik.
-Buong pagmamahal na niyakap muli ni Catherine ang kanyang Lola Aura, kapwa luhaan ang maglola.
Ginising si Catherine ng isang babaeng buntis. Nasa isang liblib na nayon si Catherine.
Babae : Catherine, nakatulog ka na. Mukhang pagod na pagod ka ah.
Catherine : Okay lang ho. Hindi naman masyado.
Babae : Mag-unat unat ka muna. Nag-iisip ka? Tungkol sa buhay mo? Matagal ka na naming kasama dito, pero ni minsan ay hindi ka pa nagkwento tungkol sa buhay mo noon.
Catherine : Ang buhay ko noon, wala namang kwenta… boring lang. Kailan na ho ba kayo manganganak? May naisip na ba kayong pangalan?
Babae : Wala pa nga eh. Ano bang paborito mong pangalan?
Catherine : (nakangiti) Madali lang ho ‘yon. Kung gusto mong lumaki ang anak nyo na mabuting tao at gwapo… Raphael ang ipangalan mo sa kanya.
Babae : (ngumiti) Raphael? Ay teka, meron nga palang nagpapahanap sa iyo.
Catherine : Sa akin?
-Itinuro ng babae ang naghahanap kay Catherine. Nagulat si Catherine at nangilid ang luha ng makita ang papalapit na nakangiting si Raphael (Gabbylicious! … I love his smile, his eyes, his lips…)
Raphael : Catherine, mabuti’t nahanap din kita.
Catherine : Pareho lang tayo. Nahanap ko na rin ang sarili ko. Ngayon handa na ako.
-Nagyakap ng mahigpit sina Raphael at Catherine. Masuyong hinalikan sa labi ni Raphael ang “handa” nang si Catherine .
Catherine : Kapag ang tao’y nagmahal, hindi na mahalaga kung ano ang mali o tama… kung sino ang humingi at nagbigay.. kung sino ang nanalo… kung sino ang talunan… ang alam mo lang nagmamahal ka… ang alam ko lang mahal ko sya.
THE END
Labels: Iisa Pa Lamang
maraming salamat talaga