Read the transcript of episode 84 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.
Nasa hospital room ni Catherine si Raphael, buong pagmamahal nitong pinagmamasdan ang babaeng iniibig… masuyong hinahaplos ang buhok at panaka-nakang hinahagkan. Naalala ni Raphael ang mga masasayang sandali na pinagsaluhan nila ni Catherine.
Hindi pa rin nagkakamalay si Miguel.
Lumalala ang kalagayan ni Catherine.
Habang naglalakad sa pasilyo ng hospital si Sofia, ay kausap nito sa cellphone si Raphael
Sofia : Kailangang mabuhay ni kuya Miguel at ate Catherine. Hindi ako puedeng iwan ng mga kapatid ko.
Raphael : Huwag kang mag-alala Sofia, hindi mamamatay ang kapatid mo.
Sofia : Paano nyo alam?
Raphael : Alam ko. Hindi sya mamamatay.
Nagmamaneho si Raphael.
Raphael : Kahit na ano Catherine gagawin ko para sa iyo. Kahit mamatay ako, mabuhay ka lang. Diyos ko, patawarin ninyo ang gagawin ko.
-Ibinangga ni Raphael ang minamanehong sasakyan sa isang puno.
Nag-flat line ang machine na nakakabit kay Catherine.
Umiiyak sina Toby at Sofia habang ipinapasok sa operating room si Raphael.
Pumunta si Sofia sa hospital room ng kanyang kapatid na lalaki, naabutan nya roon ang isang nurse at ang nakatulog na sa pagbabantay na si Scarlet. Bago lumabas sa silid ang nurse ay pinasalamatan ito ni Sofia. Nagising si Miguel. Kaagad-agad na ginising ni Sofia si Scarlet, tuwang-tuwa sila. Lumabas ng silid si Sofia upang tawagin ang doktor ng kapatid. Umiiyak sa kaligayahan na niyakap ni Scarlet si Miguel.
Hindi pa nagkakamalay si Raphael.
Lumulubha ang kalagayan ni Catherine. Alalang-alala sina Sofia at Louela. Nilapitan sila ni Toby.
Toby : Sofia, kamusta na daw si ate Catherine?
Sofia : Sinasabi ng doctor, lumalala daw si ate eh. Pag hindi siya nakakuha ng puso within 36 hours… baka… baka
Louela : Baka matuluyan na si Catherine
Kinakausap ni Miguel ang nurse na nasa silid nya.
Miguel : Nurse, matagal na ba ako dito?
Nurse : Halos isang linggo Sir. Mukhang ang laki nga ng improvement nyo e. Balita nga po namin ililipat na kayo sa regular room.
Miguel : Si Catherine dela Rhea, kumusta sya?
Nurse : Kritikal pa rin po yung kondisyon nya, Sir. Wala pang nadadalang heart para i-transplant sa kanya. Akala nga po namin baka kayo pa ang mag-donate, pero nag-improve kayo Sir. Okay naman po ang kundisyon ninyo.
Miguel : Magka-match pala kami ni Catherine.
-Nagpa-alam na ang nurse at lumabas ng silid.
Walang pagbabago sa kalagayan ni Catherine.
Nasa room ni Miguel sina Scarlet at Sofia
Miguel : Scarlet, hindi ka na dapat pumunta dito sa hospital. Baka kung anong sakit pa ang masagap mo, kawawa naman ang baby.
Scarlet : (tumawa) Miguel ano ka ba? Huwag mong iisipin yon. Magiging okay yung baby, hindi mangyayari yan dahil malakas ‘to nagmana ito sa daddy nya, di ba?
-Tumawa si Miguel
Miguel : Sana nga. Dapat nagpapahinga ka na rin. Sige na, okay lang ako dito.
Scarlet : Pauwi naman na talaga ako. Plano ko rin kasing maaga pumunta dito bukas para ma-supervise ko yung regular room na lilipatan mo.
-Nagpaalam na si Scarlet, hinalikan nito sa noo si Miguel bago umalis.
Scarlet : Kita tayo bukas ha
Miguel : Sige.
- Nasa pinto na si Scarlet nang tawagin ito ni Miguel
Miguel : Scarlet. Ingatan mo ang sarili mo ha. Ingatan mo ang baby natin.
-Masayang lumabas na si Scarlet. Hinawakan ni Miguel ang kamay ng kapatid.
Miguel : Hindi ka pa ba magpapahinga?
Sofia : (umiiyak) Sandali na lang kuya.
Miguel : (pinahid ang luha ng kapatid) Bakit ka na naman umiiyak? Ayokong nakikitang kang umiiyak ha.
Sofia : Nag-aalala ako kay ate Catherine eh. Nagde-deteriorate na sya kuya. She needs a new heart right away pero hanggang ngayon wala pa ring donor.
Miguel : (nanghihina) Magtiwala ka lang. May darating na puso para sa kanya. Sigurado yan. Magtiwala ka lang.
-Pinalalabas na ni Miguel ang kapatid kasi kailangan na daw nyang magpahinga.
Sofia : Bakit kuya? May masakit ba? Gusto mo tumawag ako ng doctor?
Miguel : Hindi. Okay lang ako. Pagod lang. Sige na, magpahinga ka na.
-Bago lumabas si Sofia ay hinalikan nito sa noo ang kapatid
Sofia : I love you kuya
Miguel : I love you too
Pumunta si Sofia sa bahay ni Scarlet. Masaya nilang pinag-uusapan ang paghahandang gagawin nila sa lilipatang regular room ni Miguel. Maglalagay daw sila ng christmas decorations para masaya, at magdadala sila ng maraming DVD at DVD player. Masayang masaya sina Scarlet at Sofia.
Umiiyak na inaalala ni Miguel ang mga masasaya nilang sandali ni Catherine. Napangiti ang lalaki nang maalala ang mga pagniniig nila ni Catherine sa imbakan.
Ipinapakita ang masayang sina Scarlet at Sofia.
Habang nag-aagaw buhay si Miguel ay parang nakikita niya ang kasal nina Raphael at Catherine (yung dream ni Catherine, bago sya dukutin ni Isadora, dito nga lang ay kasal na sina Raphael at Catherine). Pumikit si Miguel.
Flat line.
Weeks later…
Nagising n.a si Catherine. Si Raphael ang una nyang nasilayan. May bandage sa bandang nuoo si Raphael.
Raphael : Good morning Sleeping Beauty!
Catherine : (nakita ang bandage ni Raphael) Anong nangyari sa iyo? (Ay naku Catherine, may pumasok kasing katangahan sa ulo nyang si Raphael kaya may bandage… I love you Raphael, pero katangahan ang ginawa mo - Neneng)
Raphael : Mahabang istorya. Saka ko na lang ikukwento ito.
Catherine : Anong nangyari sa akin? Bakit ang sakit-sakit ng katawan ko?
Raphael : Nabaril ka. You just went through a heart transplant.
Catherine : (may luha sa mga mata) Ibig mong sabihin, bago itong puso ko? (tumango si Raphael) Siguro nga dapat na talagang palitan, bugbog na bugbog na kasi. Kanino galing itong puso? Raphael tulungan mo ako. Gusto kong magpasalamat sa pamilya ng nagdonate ng puso nya para sa akin.
-Hindi kaagad makasagot si Raphael
Catherine : Bakit?
Raphael : Si Miguel. (nagulat si Catherine) Puso ni Miguel ang ibinigay nya sa iyo.
-Napapikit si Catherine at tumulo ang luha. Pinahid ni Raphael ang luha ni Catherine.
Sinamahan ni Louela si Catherine sa puntod ni Miguel. Umiiyak na nagpasalamat si Catherine kay Miguel.
Catherine : Gusto kong magpasalamat sa regalong natanggap ko mula sa iyo. Napakahalaga ng regalong ito. Pinapangako ko na iingatan ko itong mabuti at aalagaang mabuti. Noon pa man, naging malaking bahagi ka na talaga ng buhay ko, at ng puso ko. At kahit nasaan ka man ngayon… kahit hindi na tayo magkikita habang buhay… parang… parang hindi pa rin tayo magkakahiwalay. Kaya mananatili ka dito sa akin, mananatili ka dito Miguel. Hinding-hindi kita makakalimutan. Salamat, salamat!
Isang gabi, kinausap ni Raphael si Catherine tungkol sa naudlot nilang pagpapakasal
Raphael : Catherine, ilang beses ng nauudlot yung kasal natin e. Hindi naman natin yun pinag-uusapan sa hospital, nung ilang buwang nandun ka dahil… Anyway… Ano kaya magpunta tayo sa huwes? Magpakasal na lang tayo doon.
Catherine : Puede ba huwag muna nating pag-usapan?
Raphael : Bakit?
Catherine : Ang dami ko lang sigurong iniisip ngayon. Ang dami kong dapat ayusin.
Raphael : Bakit hindi mo na ba ako mahal? (Ako! Ako, mahal kita Raphael - Neneng)
Catherine : Marami na akong minahal at nakapiling, pero iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito… at ikaw yun Raphael, ikaw lang. Pero ngayon, mabubuhay pa kaya yung pag-ibig na ‘yon? Ngayon na ang puso ni Miguel ang tumitibok sa dibdib ko?
Raphael : Catherine binigay ni Miguel ang puso nya sa iyo, para dugtungan nya ang buhay mo. Para dugtungan nya ang pag-ibig natin sa isa’t isa. Nagsakripisyo sya para sa atin.
Catherine : (luhaan) Hindi ko alam Raphael, gulong gulo na ako eh. Siguro, siguro kailangan ko lang ng oras. Kailangan ko ng oras makapag-isip. I’m sorry. I’m sorry.
-Niyakap ni Catherine si Raphael. Umalis na si Catherine. Naiwan ang lumuluhang si Raphael.
Labels: Iisa Pa Lamang