Dalawang beses ngang namatay si Ryan Agoncillo sa seryeng ito. Medyo tragic, ngunit para nga naman maiba.
Si Victoria, talunang tunay, ay dinalaw ang puntod ni Rosario, ang kanyang ninakawan ng recipe, bago makulong.
Pero sa kulungan ay natagpuan ni Victoria ang Panginoon at naging aktibo sa pagpaparating ng Kanyang Salita sa kapwa niya preso.Nagkatuluyan at ikinasal sina Jordan at Lima. Cute di ba?
Naging sikat na musikera naman si Alex...
Nagkaroon ng sariling show si Ysay...
At sila ni Mito ang nagkatuluyan. Hanggang sa susunod na teleserye ni Juday!
Read more of this article
Labels: ysabella
At isang araw nga ay may tawag na natanggap si Ysay mula kay Christina. Sa tinig ni Christina ay ramdam ni Ysay na nangangailangan siya ng agarang tulong kaya naman pinuntahan niya ito sa lugar na sinabi ni Christina.Ngunit sa lugar palang iyon papatayin ni Christina si Ysabella.
*Due to some technical problems the rest of the videos are corrupted and can not be uploaded. Sorry for the inconvenience. Although the missing videos are just a continuation of Christina's threat to Ysay and she revealed that she too, has learned to love Albert and with Ysay around, getting him would be impossible.
Read more of this article
Labels: ysabella
Si Prince Hugo ang mamimili kung sino sa dalawa ang may pinakamasarap na version ng kinasal na manok.At ang nagwagi ay walang iba kungdi si Ysabella Cuenca.
Siyempre, hindi ito matanggap ni Victoria. At isang maitim na plano ang biglang pumasok sa kanyang isipan.
Read more of this article
Labels: ysabella
Si Roderick Paulate (as himself) ang host ng patimpalak. Let the games begin!Samantala nagkasya na lamang ang magkapatid na Albert at Lima sa panunuod sa TV upang hindi makapagbigay ng maling impression sa kanilang ina.
Read more of this article
Labels: ysabella
Si Georgia! Ngunit dumalaw si Georgia hindi para manggulo. Kinumusta lamang niya si Mito at nakipag-ayos.Samantala, habang dinadalaw ni Ysay ang kanyang ina sa sementeryo ay dumating naman doon si Albert.
Samantala, nagkaayos na ang magkaribal na sina Mito at Albert.
Read more of this article
Labels: ysabella
Sa awa naman ng Diyos, braso lamang ang nasunog kay tsang sa nangyaring pagsabog.
Samantala, upang makapagdesisyon si Prince Hugo kung sino ka Rosario's Cucina at Victoria's Chicken ang pipiliin, isang cooking competition ang kanyang ipapagawa. Ang mananalo ang siyang makakadeal ni Prince Hugo para sa $100 million investment for global expansion.
And the game is on!
Read more of this article
Labels: ysabella
Hindi makasagot ni Mito nang tanungin siya ni Ysay kung totoo nga ang sinabi ni Victoria.
Kaya naman nakapagdesisyon si Ysay na ituloy na lamang ang laban kay Victoria na mag-isa.
Samantala, dahil sa nagdadalawang isip na si Prince Hugo sa pakikipag-deal nito sa Victoria's, gustong makabawi ni Victoria. Kaya tinawagan niya si Christina upang may ipagawa sa kanya.
Si Christina nga kaya ang may gawa ng pag-sabog na ito?
Read more of this article
Labels: ysabella
Ipinaalam ni Albert ang plano ng kanyang ina na sulutin ang deal kay Prince Hugo na dapat sana ay sa Rosario's Cucina. Ngunit sa pag-amin na ito ni Albert ay hindi niya idinawit ang pangalan ni Mito, na kasama nila sa pag-uusap na iyon.At dahil dito, pinuntahan ni Ysay ang meeting sana ni Prince Hugo kay Victoria. Sa native language ni Prince Hugo ay sinabi ni Ysay na siya ang isa sa may-ari ng Rosario's Cucina, at ninakaw lamang sa kanyang ina ang recipe na ginagamit ngayon ng Victoria's Chicken.
Read more of this article
Labels: ysabella
At katulad ng sinabi ni Victoria, hindi siya tinanggihan ng mga ito, bagkus ay buong puso pa silang tinanggap sa kanilang pamamahay.At hindi lang pinatira sa bahay nila, binigyan pa ng trabaho. Si Christina ang ipinalit ni Ysay sa naiwang pwesto ni Reno.
Samantala, nalaman ni Albert na sinulot ni Victoria mula sa Rosario's Cucina ang deal ni Prince Hugo. Hindi ito nagustuhan ni Albert at sinabing ipapaalam niya kina Ysay ang ginawang ito ni Victoria.
Read more of this article
Labels: ysabella






