Google
 

Kinausap ni Ysay si Lima upang bitawan ang project ng Rosario's Cusina dahil sa conflict of interest at iba pang kumplikasyon.




Kinausap din ni Ysay si Mito upang pigilan ang huli na bilhin ang Victoria's Corporation.


Samantala, napagdesisyunan ni Albert na iuwi si Cristina at si Tingloy sa Manila, sa bahay ni Victoria, upang ipakilala sa kanyang ina ang pamilya ni Andrew.










Read more of this article

Isang special task ang ipinagawa ni kuya kina Victor at Riza kung saan ang mananalo ay magkakaroon ng 100second phonecall. At ang special task na ito ay ang pag wakeboarding.



Sa umpisa ay nakaluhod ang dalawa upang masanay sa pagbalanse. Sa pangalawang round ay kailangang nakatayo na sila.



At ang nanalo, for obvious reasons, ay si Victor.



Kapag nasa loob ka ng Big Brother house, ikaw ay parang isolated sa outside world. Wala kang communication, walang entertainment, walang technology. Ngunit dahil sa nangyari sa Makati kamakailan lang, ninais ni kuya na hindi man diretsong iparating, ay pahapyaw na malaman ng mga housemates ang kaganapang may kinalaman sa National security. Kaya ipinarinig ni kuya ang isang segment sa Bandila.










Read more of this article

Naglayas si Yellena dahil sa pinaghihiwalay sila ni Miguel ng kanyang ina na si Ayessa. At dahil masyado nang malayo at hindi naman talaga alam ni Yellena kung saan siya pupunta, ibinaba siya ng taxi sa isang hindi mataong lugar.



Nagkataon naman na may paparating na sasakyan, ngunit ito pala ay upang kunin si Albert (James Blanco) na nakahandusay sa damuhan at lango pa sa alak.




Nilapitan ni Yellena ang mga nasabing lalaki ngunit tinutukan siya ng isang lalaki ng baril. Buti na lang at dumating si Lastikman upang iligtas siya.



Ang hindi inaasahan ni Miguel ay ang pagkikita nila ng taga Harraian na si Agaddon.










Read more of this article

Dahil na rin sa palusot ni Picolino, pinalaya na ni Miss Minchin sina Becky at Sarah.





Kaya buo at magkakasama na muli sina Eidelweis, Becky. Sarah at sina Chester at Emily.













Read more of this article

Mukhang nahihilig si kuya sa banatan (may hang-over pa ata sa Manila Pen take-over) kaya naman ang game for the day ng ating mga housemates ay tinawag na "Velcro War" game.



Boys versus Girls ang labanan for today (medyo unfair). May suot na Velcro vests ang mga housemates at magbabatuhan sila ng Velcro balls. Ang matatamaan nila ng Velcro balls ay magiging bihag. Kailangang makuha ng team ang flag ng kabila upang manalo.



Siyempre dahil mas malakas bumato ang mga boys, natalo ang girls.








Read more of this article

Nadukot si Cristina ng mga kalalakihang matagal nang umaaligid at naghahanap sa kanya.





Subalit nakabalik din siya at nang tanungin ng pulis kung magsasampa pa siya ng reklamo, tumanggi si Cristina.











Read more of this article

Para makilala ng husto ng mga housemates ang bagong pasok na si Gladys, isang laro ang pinagawa sa kanila ni kuya.



Ang tawag sa laro ay "Getting to know Gladys".



May bagong love triangle sa loob ng bahay ni kuya, ang triangle nila Baron, Mariel at Jon.










Read more of this article

Dumating na ang araw ng pageant para sa magiging Mr. and Ms. Pearl of the Pacific University kung saan kasali sina Miguel at Yellena, pati sina Ken at Sandy.




Si Sandy ang nanalong Ms. Pop-U, samantalang si Miguel ang nanalong Mr. Pop-U. Ngunit may ihinanda palang kalokohan itong tropa nila Ryan. Nakita ito nila Yellena at Ken, kaya naman sabay nilang itinulak si Miguel, ngunit kay Ken nabuhos ang inilagay nila Ryan.




Samantala, hindi talaga umubra si Beautiki kay Lastikman, pero namatay ito dahil nabagsakan siya ng chandelier.













Read more of this article

Sa tulong nila Chester, natunton ni Becky kung saan nakalibing at itinago si Emily, ang manika ni Sarah.




Tuwang tuwa naman si Sarah dahil nakita na ang kanyang manika na bigay ng kanyang ama.


Habang nililinis niya si Emily, may napansing kakaiba si Sarah, ngunit hindi na niya ito pinagtuunan pa ng masyadong pansin. Hindi niya alam na ito ang mapa ng kayamanan.










Read more of this article

Akala ni Victoria ay magtatagumpay siya sa staged "ambush interview" sa pagdalaw ni Ysay sa kanilang kumpanya. Ngunit iba ang naging write-up ng mga dyaryo sa nangyari.





Kinausap naman ni Albert si Cristina tungkol sa naging nakaraan nila ni Andrew.









Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!