Google
 


Manigong Bagong Taon mga Kapamilya! Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta!
Read more of this article

Naging masyadong matigas na nga ba ang ating mga housemates at sinusuway na nila si kuya? Mukhang nainsulto si Big Brother dahil hindi sila kinakausap nito. Ang lahat ng kanyang utos ay idinadaan sa LCD TV na nasa living room. At buong araw ay ipinapakita ang video ng ginawa nilang pagsipa sa mga medalyon na pang-nominate.



Mas apektado naman si Will dahil sa kanyang sinabi na "Kuya, you wear this!". Buong araw din itong ipinaparinig sa kanila, isang pagkakataon pa nga ay may mix sipol mula sa "Kill Bill".


Marami pang ginawa si kuya katulad ng pagpatay sa mga ilaw, at paglamig sa loob ng bahay.



Pero hindi talaga pinalagpas ni kuya ang mga housemates kaya pinagbihis sila dahil magkakaroon daw muli ng Live nomination. Muling ibinigay ang medalyon at kanila raw itong isuot sa kung sino ang hindi karapat-dapat mapabilang sa Big 4. Pero may sinabi si Jon at pilit niya itong ipinapaintindi sa kapwa niya mga housemates. "5 medallions, 5 housemates...".


At ang nangyari? Bawat isa sa kanila ay nasabitan ng medalyon. Ang ginawa kayang ito ni Jon ay ipinagbabawal sa Rule Book?


Pero naisip diumano ni kuya ang ganitong sitwasyon kaya si Jon, bilang nananatili pa ring Head of Household, ay pinag-nominate ng hindi lang isa, kungdi dalawang housemates. Hirap man sa kalooban, gumawa siya ng desisyon.


At ang kanyang mga pinili ay si Riza;


at si Gaby. Napaiyak si Jon sa ginawa niyang ito.












Read more of this article

Bumalik na sa maayos na kalagayan si Lima. Habang nag-uusap sila ni Jordan, nagtataka sila kung paanong nakatulog si Lima pagkagaling sa kwarto ng kanyang ina.



Nang maalala ni Lima na kinain niya ang pagkaing dapat sana ay para sa kanyang ina. Dito niya naisip na maaaring may inilagay si Christina sa pagkain ng kanyang ina!


Samantala, inimbitahan ni Victoria ang opisyal mula Colombo na si Prince Hugo Ildefonso de Salcedo sa kanyang bahay. Ano ang kanyang binabalak?











Read more of this article

Habang namimili si Celine sa may palengke ay may magnanakaw na nakakita sa kanyang cellfone.




Ngunit nagkataon naman na naroon si Onay at nahuli niya ang magnanakaw. Naibalik niya ang cellfone kay Celine.












Read more of this article

Dahil sa sinapit ni Yellena, inakate sa puso itong si Ayessa at isinugod din sa ospital.



Samantala, nagkita sina Ryan at Miguel sa morgue kung saan nakalagak si Yellena. Galit si Ryan kay Miguel dahil siya daw ang nagdala ng kamalasan sa kanila.



Samantala, nakakita ng bagong magiging halimaw si Jared, sa katauhan ni Ryan!












Read more of this article

Dahil New Year, ang special game ni kuya para sa ating mga housemates ay paramihan sila ng maipipintang polkadots sa katawan ng kapwa nila housemates.




Panuorin din ang interview ni Bianca kay Ethel Gabison.








Read more of this article

Filipinos love weddings! And for the first time in Pinoy Big Brother history ay magkakaroon ng Big Wedding sa season 2 ng PBB Celebrity Edition.



Ang kasalan ay ginanap sa Mt. Carmel Church sa Quezon City. Hindi pwedeng gawin ang kasalan sa loob ng bahay ni kuya dahil as per Roman Catholic procedures, ang kasalan ay maaari lamang gawin sa loob ng simbahan o kapilya. Pero ang kanilang reception ay ginawa sa loob ng bahay ni kuya.



Piling pili ang mga bisita sa kasalang ito, mga direct relatives lamang katulad ng mga magulang ni Ruben;


Mga anak ni Ruben (mga bata lamang, ung babae ay hindi nabanggit kung sino);


Best man Will Devaughn with secondary sponsor Riza Santos.


Secondary sponsors Gaby dela Merced, Jon Avila and Mariel Rodriguez.


Maid of Honor Ethel "Booba" Gabison.


Magulang ni Jessel.






Samantala, ang mga natitirang housemates ay super solid sa isa't isa, at ayaw nilang may maalis na isa sa kanila (apat lamang ang kailangang matira sa kanila bago mag Big Night). Ngunit may ginawa ang ating mga housemates na mukhang hindi nagustuhan ni kuya.


Isang task ang ipinagawa sa kanila ni kuya kung saan sasabitan nila ng medalyon ang housemate na sa tingin nila ay hindi karapat-dapat mapabilang sa Big 4. Ngunit lahat sila ay ayaw itong gawin. Si Will, may nasabi pang hindi maganda na maaaring ikainsulto ni kuya.










Read more of this article

Nalalapit na ang pinaka-aabangang teleserye na katatampukan ni Angel Locsin kasama si Piolo Pascual, ang "Lobo".






Read more of this article

Bago ang kasalan nila Ruben at Jeselle, isang mock wedding muna ang naganap kina Will at Jon at sa mga "brides" nila.



Matatandaan na nagkaroon ng palaro si kuya sa mga housemates kung saan kailangan nilang hanapin ang kanilang "brides". Ang bride ni Jon ay si Mariel, samantalang si Will, si Ethel ang kanyang nakita sa halip na si Riza kaya "ikakasal" siya kay Ethel.




Wow, talagang nag-kiss sila lips to lips!


Si Will, conservative?


Samantala, isang stag party ang surprise ng dalawang lalaking housemates para kay Ruben.

















Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!