Google
 

The Christmas season is a time for family, friends, gatherings, fun and party. At syempre kapag party, hindi nawawala sa pinoy ang pagkain at inuming nakakalasing. At si Baron, minsan nang nangakong hindi na iinom, ay nagpatalo sa tukso.



Madaling araw ng December 25, marami nang nainom si Baron. Unlike sa unang inuman nila (Bora Party), beer ang iniinom ni Baron ngayon. As usual, hindi na naman alam ni Baron ang kanyang mga ginagawa.



Concerned si Will sa kalagayan ni Baron kaya sinubukan niyang kausapin ito. Ngunit iba ang naging dating kay Baron kaya naman nagalit siya kay Will at pinagbantaan pang sasaktan.


Sa kalasingan ni Baron ay halos mahubuan na siya ng pantalon. Buti na lang naka boxers siya.




Sa payo na rin ng resident psychologist ng Pinoy Big Brother, kinausap ng mga celebrity housemates si Baron tungkol sa dilemma nito kapag nalalasing. Ipinakita ni Big Brother ang mga ginawa ni Baron habang lasing ito. Kasama niyang nanunuod ang mga housemates.





Hiyang hiya si Baron sa kanyang mga pinag-gagawa. Ngunit may malalim na dahilan pala itong si Baron kaya ganoon ang naging attitude niya. Parang naa-out of place na raw siya sa mga houesmates, at pakiramdam niya hindi na totoo ang ipinapakita ng ibang housemates sa kanya.



Si Gaby ay hindi nagustuhan ang mga puntong inilabas ni Baron kaya nag-walk out ito.


Kaya hapon ng December 27 ay nakapagdesisyon na si Kuya. Pinatawan niya ng forced eviction si Baron Geisler. Sayang ka Baron...











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!