Google
 

Nailibing na ang ina ni Yayo. At sa pagtatapos ng kabanatang ito sa kanyang buhay, nais niyang muling bumalik sa loob ng bahay ni kuya upang tapusin ang kanyang mga nasimulan.






Ngunit dahil malapit na ang Big Night, kinailangan nilang hingin ang opinion ng Endemol. At napagkasunduang papayagang bumalik si Yayo kung may isang lalabas ng bahay ni kuya. Kinausap ni kuya ang mga celebrity housemates tungkol dito, at si Gaby, mukhang gustong makipag-swap kapalit ang pagpasok ni Yayo sa bahay ni Kuya.



Ngunit may kundisyon pa ang Endemol. Taong bayan ang magdedesisyon kung makakabalik nga si Yayo sa loob ng bahay sa pamamagitan ng text votes sa loob lamang ng 24 hours. At kung sakali mang si Gaby ang pinili ng taong bayan na lumabas ng Big Brother house, siya ang makakatanggap ng P400,000 na voluntary donation ng mga housemates para sana kay Yayo, para maging fair daw.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!