Google
 

Ang game for this week para sa magiging HOH ay tinawag na "The Boat is Sinking". Isang set of games ang gagawin ng mga housemates para makapag-eliminate sila ng kapwa nila housemate.



Ang una ay "Card Picking". Kung sino ang makakuha ng may pinakamataas na rank ng card, mamimili siya ng housemate na matatanggal. Kung sino ang mapili ay tatalon sa swimming pool.


Ang pangalawang game ay "Plastic Balloon". Kung sino ang makagawa ng pinakamalaking plastic balloon ay mamimili ng tatanggaling housemate.


Ang pangatlo ay "Paper Airplane". Kung sino ang makapagpalipad ng airplane at nakakarating ng pinakamalapit sa isang flag ang mamimili ng tatanggaling housemate.


Ang pang-apat ay "Icky Food". Kung sino ang unang makaubos ng makabaligtad-sikmurang inumin ay siyang mamimili ng tatanggaling housemate. Ang mga sumptuous drinks ay itlog na puti, tomato juice, at blended ampalaya. Von apetite! Buti na lang wala na si Mariel...


Ang panglima ay "Darts". Nasa ilalim lang naman ng swimming pool ang dart board. Syempre pa kung sino ang pinakamalapit sa bull's eye ang siyang mamimili ng tatanggaling housemate.


Ang pang-anim na game ay "Pito". Palusugan ng baga, pahabaan ng hininga. Kung sino ang pinakamatagal mag-pito ang mamimili ng tatanggaling housemate.


Ang last game ay "Mais Challenge". Manu-manong tatanggalin ng mga housemate ang mga butil ng mais sa cob, at matapos iyon ay kakainin. Kung sino ang mauna ang siyang mamimili ng tatanggaling housemate.


Siyam na housemate, pitong games. Dalawa ang matitira sa kanila, at sa dalawang matitira, ang mga natanggal na housemates ang pipili sa natirang dalawa kung sino ang gusto nilang maging HOH. Sino kaya ang magiging HOH for this week? Abangan...








0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!