Google
 

Naging masyadong matigas na nga ba ang ating mga housemates at sinusuway na nila si kuya? Mukhang nainsulto si Big Brother dahil hindi sila kinakausap nito. Ang lahat ng kanyang utos ay idinadaan sa LCD TV na nasa living room. At buong araw ay ipinapakita ang video ng ginawa nilang pagsipa sa mga medalyon na pang-nominate.



Mas apektado naman si Will dahil sa kanyang sinabi na "Kuya, you wear this!". Buong araw din itong ipinaparinig sa kanila, isang pagkakataon pa nga ay may mix sipol mula sa "Kill Bill".


Marami pang ginawa si kuya katulad ng pagpatay sa mga ilaw, at paglamig sa loob ng bahay.



Pero hindi talaga pinalagpas ni kuya ang mga housemates kaya pinagbihis sila dahil magkakaroon daw muli ng Live nomination. Muling ibinigay ang medalyon at kanila raw itong isuot sa kung sino ang hindi karapat-dapat mapabilang sa Big 4. Pero may sinabi si Jon at pilit niya itong ipinapaintindi sa kapwa niya mga housemates. "5 medallions, 5 housemates...".


At ang nangyari? Bawat isa sa kanila ay nasabitan ng medalyon. Ang ginawa kayang ito ni Jon ay ipinagbabawal sa Rule Book?


Pero naisip diumano ni kuya ang ganitong sitwasyon kaya si Jon, bilang nananatili pa ring Head of Household, ay pinag-nominate ng hindi lang isa, kungdi dalawang housemates. Hirap man sa kalooban, gumawa siya ng desisyon.


At ang kanyang mga pinili ay si Riza;


at si Gaby. Napaiyak si Jon sa ginawa niyang ito.












1 Comment:

  1. Blog of the Month said...
    Hi! Glad To Inform you that You're Blog has been nominated for'Entertainment Blog of the Month' this January 2008!

    Find Out How You've been Nominated here: http://julia-aquino.blogspot.com/2007/12/january-2008s-entertainment-blog-of.html

    See Official Rules Here: http://julia-aquino.blogspot.com/2007/08/entertainment-blog-of-month.html How to Win? See This: http://julia-aquino.blogspot.com/2007/11/how-to-win-entertainment-blog-of-month.html

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!