Google
 

Nakita ni Miguel ang kanyang ina sa loob ng CR. Nagpakilala siya dito, ngunit itinanggi siya ni Ruth. Pero si Ruth, nabahala sa sinabing iyon ni Miguel.



Hindi siya makapaniwala na kilala siya ni Miguel, at kilala ni Miguel si Irroian.


Dahil marami nang nalalaman, ikinulong ni Jared si Sandy sa kanyang sikretong opisina kung saan niya ginagawa ang mga halimaw.


At para mas maging mabilis ang pagtugis ni Jared kina Lastikman at Miguel (hindi pa niya alam na iisa lamang si Miguel at Lastikman) ay gumawa pa siya ng isang halimaw mula kay Mang Ninoy. Si Mang Ninoy ay si Morphino, may katangiang katulad ng isang praying mantis, at may kakayahang manggaya ng anyo ng ibang tao.


Ang unang ginaya nito ay si Sandy, upang hindi mamalayan ni Cynthia na nakakulong ang tunay na Sandy.


At ang pangalawa ay si Dolores, upang makapasok siya sa bahay nila Miguel, at makuha ang kwintas, ang bagay na makakapagpatunay kay Miguel na anak siya ni Irroian at Ruth.











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!