Hindi kinaya ni Fidel ang mga pangyayari kaya nagkaroon ito ng nervous breakdown at nanatili sa isang mental facility.Nakalaya na rin si Mateo makalipas ang anim na buwan.
Naging mabuting tao na ang dating kontrabidang si Corazon.
Hindi man nagkatuluyan, nagkabati naman muli sina Onay ay JB.
At sina Eli at Jackie ay makapagsisimula nang makabuo ng isang pamilya sa pagbubuntis ni Jackie.
Read more of this article
Labels: Maging Sino Ka Man
Sa kagustuhan ni Corazon na mapalapit ng husto ang kalooban ni JB kay Onay, pinayuhan ni Corazon si Onay na kung gusto nitong mabihag ang puso ni JB ay kailangang kumilos siya katulad ni Celine, dahil si Celine lamang ang talagang gusto ni JB. Pinagbihis ni Corazon si Onay ng seksing kasuotan katulad ng mga sinusuot ni Celine, pero hindi ito umubra kay JB. Sa katunayan ay nagalit pa ito.Gusto namang ipabuksang muli ni Mateo ang kaso dahil sa kanyang mga napapanaginipan. Naalala niya na nang gabing mamatay si Monique ay natatandaan niyang may isa pang tao silang kasama.
Samantala isang misteryosong text naman ang natanggap ni Jackie at gusto itong makausap. Pinapapunta siya sa isang lugar upang doon magkita.
Read more of this article
Labels: Maging Sino Ka Man
Nararamdaman na ni Lena na malapit na siyang mawala sa mundo, kaya naman bago pa mahuli ang lahat ay nais niyang makausap ng magkasama sina Jackie at Eli.Kinabukasan, nagpahatid si Lena sa may tulay, kung saan ayon sa kanya, doon siya susunduin at magkikita ni Joaquin.
Read more of this article
Labels: Maging Sino Ka Man
Tuwang tuwa naman si Corazon nang muling bumalik si Onay sa kanilang opisina. May isa siyang pabor na hiningi kay Onay......at ito ay ang maging "yaya" ni JB. Nagulat man si JB nang makita si Onay sa bahay, natuwa naman ito dahil muling bumalik ang dalaga. Pinipigil naman ni Onay ang kiligin.
Samantala, muling nagkita-kita sina Veron, Fidel at Jackie. At sa muling pagkakataon ay nakita nila si Lena, sa isang nakakalungkot na kalagayan.
Read more of this article
Labels: Maging Sino Ka Man
Sa hindi inaasahang pagkakataon, kahit na lumayo na si Jackie, muli na naman silang magkikita ni Eli.
Read more of this article
Labels: Maging Sino Ka Man
Natutuwa man si Mateo kay Corazon dahil inaalagaan nito ang negosyo, dahil sa kasalukuyan nilang kalagayan ay nahihiya si Mateo, kaya naman binibigyan niya ng kalayaan si Corazon upang kahit papaano ay lumigaya naman siya, dahil hindi sigurado ni Mateo kung hanggang kailan siya sa loob ng kulungan. Ngunit sinabi ni Corazon na hindi niya iyon gagawin, dahil mahal niya si Mateo, sa kanya lamang niya naramdaman ang pag-aalaga at pagmamahal sa kabila ng lahat.
Read more of this article
Labels: Maging Sino Ka Man
Samantala, binastos naman si Onay ni Mr. Cosme, isa sa mga business partners ng kanilang kumpanya. Buti na lamang at dumating si JB at naipagtanggol niya si Onay kay Cosme.
Read more of this article
Labels: Maging Sino Ka Man






