Google
 

Isang salu-salo ang inihanda nila Corazon at Eli para kay Mateo na nagdiriwang ng kaarawan sa loob ng kulungan. Kumanta pa sa videoke si Corazon at idinedicate ang kanta para kay Mateo.


Natutuwa man si Mateo kay Corazon dahil inaalagaan nito ang negosyo, dahil sa kasalukuyan nilang kalagayan ay nahihiya si Mateo, kaya naman binibigyan niya ng kalayaan si Corazon upang kahit papaano ay lumigaya naman siya, dahil hindi sigurado ni Mateo kung hanggang kailan siya sa loob ng kulungan. Ngunit sinabi ni Corazon na hindi niya iyon gagawin, dahil mahal niya si Mateo, sa kanya lamang niya naramdaman ang pag-aalaga at pagmamahal sa kabila ng lahat.









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!