Google
 

Mababanaag sa mukha ni Onay ang tuwa nang malamang ama niya si Mateo at kapatid niya si Eli. Si Onay ang magiging tagapag-mana ng mga negosyo ni Mateo. Kaya naman nang malaman ito ni Corazon ay kaagad itong nakipag-plastikan kay Onay. Matatandaang minsan na silang nagkabanggaan habang bisita nila noon at nakikikain ng dinner ang boss ni JB noon na si Vanessa.


Tama ang mga naging hula kay Lena. Hindi niya magugustuhan ang panahong muling magkakatagpo silang muli ni Joaquin. Dahil ang pagtatagpong iyon pala ay magaganap sa isang libingan, kung saan nakahimlay si Joaquin. Ang lalaking matagal na niyang hinahanap at hinihintay ay patay na pala.



Samantala, isang tagpo ang makikita ni Jackie na babago sa kanyang buhay. Nang umuwi ito upang ibalita kay Eli na buntis siya, inabutan niya doon si Lena at si Eli na kapwa lasing at naghalikan.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!