Google
 

Nakakuha ng trace signals ng cellphone ni Lyka ang grupo ni Gaby. Natunton nila ang coordinates kaya naman nalaman nilang nasa San Antonio si Lyka. Agad na nagrequest ng transportation si Gaby para makapunta roon.


Sa San Antonio, para mapabilis ang paghanap ni Lyka sa kanyang ina, nagpa-xerox ito ng mga litrato ni Nessa at kanyang ipinamahagi sa mga taong naroroon. Si Noah, na naroroon din sa San Antonio, ay nakita si Lyka nang nakatalikod kaya hindi siya makasigurado kung si Lyka nga iyon. Susundan sana niya pero may batang lumapit sa kanya (Nash Aguas).


Kaya naman si Father Ben na lamang ang kanyang pinuntahan. Nagkausap ang dalawa, pero matapos ang kanilang pag-uusap ay siya namang dating ni Gaby.









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!