Google
 

Simula na ng acting career ni Ms. KC Conception. After ng kanyang Maalaala Mo Kaya starring role, isang weekly series naman na kanyang katatampukan kasama sina Ai-Ai delas Alas, Rubi Rubi, Empoy Marquez at Jake Cuenca.


Ang kwento ay tungkol kay Gemma Umali, isang magandang dalaga na pinalaki ni (Ai-ai delas Alas). Hindi niya ito tunay na ina, dahil si Gemma ay ipinambayad sa kanyang kinalakihang ina para sa isang kilong lapu-lapu. Career ni Gemma ang pagsali sa mga beauty contest, ganda nga lang ang puhunan.
Isang malaking beauty pageant ang magbabago ng kapalaran ni Gemma. Sa contest na ito, judge ang paborito niyang artista, si Jeremy (Jake Cuenca).
Nang magkaharap ang dalawa, hindi nakapagsalita si Gemma sa sobrang excitement, kaya inakala ng assistant ni Jeremy na pipi ito. At iyon ang naging gimik nila, nagpanggap na pipi si Gemma.


Sa pagkakapanalo ni Gemma, naging simula ito ng working relationship nila ni Jeremy. Magkahulugan naman kaya sila ng loob?







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!