Google
 

Muling bumalik ang katinuan ni Nessa. Nakilala niya ang kanyang anak na si Lyka, maging si Noah, ang anak ni Emil. Dahil maayos na si Nessa, isinama niya ito sa pag-alis nila ni Lyka papuntang Singapore upang doon magtago.


Bago pa man sila makaalis ay isang lalaki ang diumano'y itinext ng kung sino, at walang anu-ano'y hinila si Noah. Gumanti naman ng suntok si Noah, kaya nag-away na ang dalawa. Tila natatalo si Noah, kaya naman sa galit ni Lyka ay naihagis niya ang dalawa, maging si Noah ay naihagis niya, at tumama ang ulo nito sa gilid ng kalsada. Duguan at walang malay si Noah, kaya isinugod ito sa ospital.




Sa ospital, nagkaroon ng pagkakataon si Lyka na tawagan si Gaby, kaya naman biglang dumating doon si Gaby at ang mga kasama nito upang dakpin si Noah. Nagpupumiglas naman si Noah, at kinakausap si Lyka, pero hindi nagsasalita si Lyka.








0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!