Google
 

Isang compatibility test ang ipinagawa ni kuya sa mag-BBF (Best Buds Forever) na sina Robi at Josef. Mabuti na lamang ang magaling sa diskarte ang dalawa kaya naman kahit hirap ay nakakumbinsi pa rin sila na matagal na silang mag-best friends.


Samantala dalawa sa ating mga teen housemates ay mga majorettes, at magaling sa baton twirling: Sina Linda at Beauty. Problemado naman si Beauty dahil sleeveless ang damit na ipinasuot sa kanya ni Big Brother, at maitim ang kanyang kili-kili. Nahihiya man, the show must go on, kaya sige sa exhibition si Beauty kahit na dyahe ang kanyang kili-kili.

Matapos si Beauty ay si Linda naman ang nagpakitang gilas. Pero may kagila-gilalas na pangyayari ang naganap sa mga audiences. May umutot! Yaak. Ayaw umamin ng salarin, pero iisa lang ang duda ng mga housemates - ang Lethal Lasallite na si Josef. Lethal ka nga...




Balik ulit sa usapang tuli, isang doktor ang ipinakausap ni Kuya kay Alex upang maliwanagan ng husto sa desisyon nitong magpatuli.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!