Google
 

Dahil sa rin sa mga kakaibang ikinikilos ni Gaby, nakakahalata na si Noah na hindi lamang droga ang kanilang iniimbestigahan dito. Maaari raw na may itinatago sila kay Noah na lingid sa kanyang kaalaman. Naaalarma dito si Gaby ngunit sinabi niyang siya na ang bahala dito.


Sa pagtakas ni Nessa, sinimulan na niya ang paghanap sa kanyang anak. Alam niyang nalalapit na ang kaarawan nito, at magiging taong lobo na rin ito tulad niya. Pinuntahan niya si Father Ben sa kanyang parokya, ngunit sinabi ni Ben na patay na si Lyka, kasama raw ang anak ni Emil.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!