Google
 

Dahil walang mapagsabihan ng kanyang katauhan, at walang maaaring mapagtanungan, nakakuha siya ng ideya kung paano masasagot ang kanyang mga katanungan. Nakakita siya ng libro tungkol sa mga werewolves, at naisip niyang mag-research sa Internet tungkol sa nasabing "genetic phenomenon".


Dinalaw ni Lyka si Noah isang araw ngunit sa pagdalaw niyang iyon ay dadalaw din pala ang ama at kapatid ni Noah. Ipinakilala ni Noah si Lyka sa kanyang ama ngunit pinagalitan lamang nito si Lyka, kaya naman nagmamadaling umalis ang dalaga.


Sinundan naman ni Gaby si Lyka paglabas nito at nagkausap sila. Sinabi ni Gaby na kung mahal niya si Noah ay aminin na niya ito sa kanya, at titigilan na niya ang dalawa, ngunit hindi kaagad nakasagot si Lyka, kaya sinabi ni Gaby na kahit si Lyka mismo ay hindi sigurado sa nararamdaman.

Nang magkasarilinan ang mag-ama ay muli na naman silang nagkasagutan, pero nagalit sa kanilang dalawa ang kapatid ni Noah at sinabing huwag silang mag-away sa harap niya. Sana man lang daw ay maging pamilya sila nang oras na iyon dahil nami-miss na niya ang kanyang kuya.







1 Comment:

  1. shing2she said...
    Happy Easter! God Bless n tc!!

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!