Google
 

Tuwang tuwa si Lyka dahil nakita na niya ang kanyang ina. Nagpasalamat siya kay Noah sa pagkakahanap sa kanyang ina.


Sa bayan, ipina-check up nila Noah at Lyka si Nessa. Binigyan ito ng mga gamot at pinayuhang kailangan pang sumailalim sa ilan pang test upang makasiguro sa totoong kalagayan ni Nessa.
Ngunit may isang miyembro pala ng Luna sa loob ng ospital na iyon, kaya naman ng makita nito sina Lyka, Nessa at Noah ay agad niya itong itinimbre sa Big Boss ng mga Luna.
Kinabukasan, mag-isa lamang si Noah na pumunta sa ospital para sa ilan pang test na kailangan para kay Nessa. Balak kasi ni Noah na lumipat muli sila ng lugar, pero nagmakaawa si Lyka na tumigil muna sa lugar na iyon kahit isang araw lang. Hindi kasi dapat sila makitang magkasama madalas, dahil may mga sumusunod sa kanila.
Nagulat naman si Lyka nang isang hindi inaasahang bisita ang kumatok sa may pinto - si Gaby!






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!