Google
 

Hindi na makayanan pa ni Eli ang mga nangyayari sa kanilang mag-asawa, kaya madalas na itong uminom dahil sa sobrang depression.


Samantala, galit si JB dahil hindi nito nagustuhan ang report na ginawa ni Onay at pinapagreport niya ito ASAP. Hindi naman pwede si Onay dahil inaasikaso niya ang kapatid na si Eli dahil sa sobrang kalasingan nito. Nagalit si Onay kay JB nang pilit siyang pinapapasok, sinabi na lamang ni Onay na bukas na bukas ay magpapasa siya ng excuse letter.


Sa galit ni JB ay sa ina ito lumapit upang ireklamo ang pagiging irresponsible ni Onay, pero hindi siya nakakuha ng kakampi dito. Bagkus ay OK lang para kay Corazon ang ginawang report ni Onay. Sinabi ni Corazon na baka naman hindi ang performance ni Onay ang hindi nagugustuhan ni JB, baka si Onay mismo.



Mskm2ep70p1
Uploaded by kapover






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!