Google
 

Dahil hindi pa siya makakabalik ng Neptune, at wala na siyang mauuwian simula ng mamatay si Vittorio, nagsimulang mamuhay mag-isa si Sylvia. Kumuha siya ng isang paupahang kwarto at doon magsisimulang muli, bilang isang simpleng mamamayan, at hindi isang top agent ng Neptune.


Samantala, ayon na rin sa kagustuhan ng Presidente at utos ng Neptune supervisor na si Antonino, inilipat si Alessandro mula sa pinagkakalagyan nito papunta sa Munti. May kutob naman si Fabio na maaaring pagkakataon ito ng mga tauhan ni Alessandro upang maitakas ang huli. At hindi siya nagkamali.


Ilang sandali lang nagkaroon na ng engkwentro ang mga escorts ni Alessandro at ang mga tauhan nito. Makatakas kaya ng tuluyan si Alessandro?









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!