Google
 

Muntik na namang magpang-abot sina Anna at Giancarlo. Nahulog ang pendant ng kanyang kwintas ni Giancarlo at nakita ito ni Anna sa sahig. Alam niyang kay Giancarlo ito, kaya naman iniwan niya ito muli sa upuan at saka nagtago. Nakita niya si Giancarlo na binalikan ang pendant.


Dahil mali ang password na ibinigay ni Giancarlo kay "Ninong" (si Alessandro ang nagpapanggap na Ninong) ay muli silang nagkita, ngunit ang gusto ni Giancarlo ay ibibigay niya ang password kaharap ang Presidente. Pumayag naman si Ninong. Ang hindi niya alam ay alam na nila Giancarlo, Fabio at Enzo ang kanyang pagpapanggap at isang plano ang kanilang binuo upang ma-corner si Alessandro sa kanyang pagpapanggap.









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!