Google
 

Nang minsang dalawin ni Corazon si Mateo sa kulungan, natutuwa si Mateo sa pagtanggap ni Corazon kay Onay at sa pagaalaga ng kanilang kumpanya, pero baka raw pwedeng pati si Eli ay kanyang tanggapin. Nais ni Mateo na ipasok si Eli sa kanilang kumpanya.


Simula ng mamatay si Celine ay iba na ang kilos ni JB. Lagi na lang itong aburido, at madalas ang pag-mountain hike kasama ang mga barkada. Nang minsang pagsabihan ito ni Corazon ay nagalit pa si JB sa kanyang ina. Ipinagtanggol naman ni Onay ang kanyang step-mother at pinagalitan din si JB. Hindi naman nagalit si Corazon sa ginawang pagtatanggol ni Onay.




At dahil ramdam ni Corazon ang pagiging magaan ng loob niya sa dalagang si Onay, inilibre pa niya ito for dinner sa isang restaurant. At dahil hindi sanay si Onay sa ganoong klaseng fine dining, medyo wala sa ayos si Onay. Pero hindi rin nagalit si Corazon, tinuruan na lamang niya si Onay sa tamang pagkain.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!