Google
 

Nakausap ng Presidente ang isang nagngangalang Yung Jeung(?) (Mico Palanca) ng Dragon Triad. Siya ang nagpapakalat ng mga Noodles na nakakasira sa brain cells ng sinumang makakakain nito. Gusto ni Antonino na pagbigyan ng pamahalaan ang request ni Yung Jeung samantalang tutol dito si Fabio. Kaya daw kunin ng mga Neptune agents ang antidote, pero duda naman dito si Antonino.


Samantala laman na ng mga pahayagan ang mga noodles na kontaminado ng kemikal. Nabasa ito ng anak ng Presidente, at nabahala siya dahil ang mga bata sa ampunan ang nakakain. Maaaring ikamatay diumano ng mga bata ang kemikal na nakahalo sa noodles. Kaya naman nagdesisyon ang presidente na pumayag sa deal ni Yung Jeung.










0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!