Google
 

Isang simpleng kasalan ang naganap sa pagitan nila Mateo at Corazon na dinaluhan nila Celine, JB at Lena. Matapos ang kasalan ay isang malaking salu-salo ang naganap na animo'y sponsored ng isang sikat na brand ng gin ;)


Masayang masaya sina Celine at JB nang ibalita ng doktor na animo'y isang himala ang nangyari kay Celine dahil gumaling ito. At dahil gusto nilang magpasalamat kay Onay dahil sa pag-aaruga nito kay Celine, isang espesyal na dinner ang kanilang ihinanda para kay Onay.










Read more of this article

Parang sinadya ng tadhana, nang makita ni Giancarlo si Pamela na naglalakad ay tinawag niya ito ngunit tumakbo ang bata, na ng mga oras na iyon ay nasa paligid lamang si Alessandro. Nagpumilit si Pamela na itago siya kay Giancarlo kaya inuwi ni Alessandro si Pamela. Dito niya malalaman na ang microchip na matagal na niyang hinahanap ay nasa kwintas ni Pamela.


Samantala sinugod na ng mga top agents ang kuta ni Fereli. Habang abala ang mga agents sa pagpatay sa mga tauhan ni Fereli ay abala naman si Fereli kay Fabio.

Sa huli ay natalo din ni Fabio si Fereli, at muntikan pa nga siyang maabutan ng mga top agents ng Neptune, at nakita pa siya ni Agent Enzo kaya madalian siyang tumalilis.







Read more of this article

Nag-report na si Selena kay Lady Elle tungkol sa mga ginagawa niyang tests kay Lyka. Isang birthday celebration ang kanilang ihahanda sa nalalapit na kaarawan ni Lyka, kung saan inaasahan nila ang pagpapalit nito ng anyo.


Upang malaman ni Lyka kung sino ang nakakaalam ng kanyang listahan, tinanong niya sa isang kasamahan doon kung sino ang nakitaan nito na may hawak ng kanyang scrapbook. Noong una ay ayaw umamin ng kanyang kasamahan, pero nang takutin niyang isusumbong ito kay Lady Elle ay inamin din nito na ipina-xerox iyon ni Noah.
Sa tuwa ni Lyka ay hinanap niya si Noah, at nagkasalubong sila sa may tapat ng elevator. Nang akmang maglalapit na ang dalawa ay biglang sumingit si Gaby at biglang hinalikan si Noah.









Read more of this article

Isang uwang ang kailangan ngayon ni Shen Li Liang, ang Scarab ni Jafar(?). Ngunit nakawala ito at ngayon ay nasa pangangalaga na ni Lem. Isang Beetle Battle naman ang gaganapin kung saan isa itong taktika para makita ng mga ninja ni Mcoy ang hinahanap nilang uwang.


Si Benjo ang nakita ni Master Kung na idadagdag sa kanyang sinasanay na mga kung-fu kids. Nang ipakilala ito ni Kung kina Lem, hindi makapaniwala si Lem at nagtampo pa ito. Hindi tuloy siya nakasali sa pagsasanay. Masama ang loob ni Lem kay Benjo dahil sa ipinagmalaki ng kanyang ama si Benjo nang bigyan ng award para sa nagawa nito noong umaatake ang mga taong zombie dahil sa ringtone ng citar ni Shen.








Read more of this article

Sorry for the inconvenience, I had some problems with my computer's memory therefore videos for February 27 were not recorded. I will include the video features of past episodes (Ang Nakaraan segments) on the February 28 posts.

Please bear with us. Thank you for the continued support!

For OFW's, subscribe to TFC for continued Kapamilya PrimeTime enjoyment. Read more of this article

May nagtangkang pumatay kay Mateo! Inabangan nito si Mateo sa parking area, ngunit magaling si Mateo sa self-defense. Si Daniel pala ang mastermind dito.


Samantala, namumroblema ngayon sina Eli at Fidel dahil sa pag back-out ng investments ni Mateo sa kanilang kumpanya. Nang malaman ni Fidel na pati si Daniel ay nag-pull out na rin, lalo siyang nagalit.



Sinubukan namang kausapin ni Eli si Mateo ngunit buo na ang pasya nito. Ang payo pa ni Mateo kay Eli ay umalis na rin sa kumpanyang iyon.






Read more of this article

Umuwi si Giancarlo sa kanilang bahay nang malaman sa pamamagitan ng isang tawag na nagwawala at nagkukulong si Pamela sa kwarto. Nang mabuksan ang kwarto, nagusap silang dalawa. Sinabi ni Pamela na nasundan niya sila ni Giuseppe at nakita din niya ang paguusap nila ni Fabio. Ipinaliwanag naman ni Giancarlo kay Pamela na hindi masamang tao si Fabio.


Samantala, buo na ang mga faith healers na kailangan ni Marco para sa kanyang "sabong". Nagsimula na ang labanan. Ang ayaw lumaban ay binabaril ni Marco, kaya ang laban na iyon ay battle for survival.









Read more of this article

Nagulat si Lyka nang gumising siya isang umaga na puno ng bulaklak ang kanyang kwarto. Isa ito sa mga nakasulat sa kanyang wish list, kaya tuwang tuwa siya. Ang palaisipan na lamang sa kanya ay sino ang may gawa nito? At paano ito nakapasok sa kanyang kwarto?


Sa pagaakalang iniinom ni Nessa ang gamot na kanyang ibinibigay, ipinalabas pansamantala ni Dr. Vivian si Nessa upang maarawan at makalanghap ng sariwang hangin. Akala niya ay mahina si Nessa, ngunit nagkakamali siya.

Dahil nang makakita ng pagkakataon si Nessa ay nagawa niyang makatakas sa mga armadong bantay niya.









Read more of this article

Dahil sa kagagawan ni Kevin, sumobra yata sa pakikinig ng tugtog ng citar ang mga tao kaya naging parang zombie na sila at hindi na sumusunod sa kanyang utos. Pati ang anak na si Jazz ay pinalibutan ng mga taong zombie. Pero may naisip si Kevin upang kontrahin ito.


Kinuha niya ang citar mula kay Shen Li Liang, at ito ang gagamitin niya upang makontra ang ipinarinig na cellphone tone ng citar. Pero ang maaari lang magpatugtog ng citar ay isang nilalang na may malinis na puso.


Kaya ibinigay nila ang citar kay Lem upang siya ang magpatugtog.






Read more of this article

Nabalitaan ng mag-asawang Jackie at Eli ang nangyari sa kanilang amang si Fidel kaya dinalaw nila ito. Pero masama pa rin ang loob ni Fidel sa kanila kaya naman pilit silang pinapaalis sa bahay na iyon. Labis naman nasaktan si Jackie dito kaya sinubukang kausapin ni Eli ang biyenan, na nauwi rin sa tabuyan.



Samantala, nagkasagutan ang mag-amang Mateo at Eli dahil inakala ni Eli na ginagamit siya ng ama-amahan upang makaganti sa biyenan niyang si Fidel.
Nag-away din sina Mateo at Daniel dahil gusto nang humiwalay ni Mateo kay Daniel. Nagkaroon sila ng palitan ng maaanghang na salita.
Samantala, isang hindi magandang pangitain ang nakita ni Onay sa kanyang tarot cards. Ang card of death ang nakita niya. May mamamatay daw.








Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!