Google
 

Nabalitaan ng mag-asawang Jackie at Eli ang nangyari sa kanilang amang si Fidel kaya dinalaw nila ito. Pero masama pa rin ang loob ni Fidel sa kanila kaya naman pilit silang pinapaalis sa bahay na iyon. Labis naman nasaktan si Jackie dito kaya sinubukang kausapin ni Eli ang biyenan, na nauwi rin sa tabuyan.



Samantala, nagkasagutan ang mag-amang Mateo at Eli dahil inakala ni Eli na ginagamit siya ng ama-amahan upang makaganti sa biyenan niyang si Fidel.
Nag-away din sina Mateo at Daniel dahil gusto nang humiwalay ni Mateo kay Daniel. Nagkaroon sila ng palitan ng maaanghang na salita.
Samantala, isang hindi magandang pangitain ang nakita ni Onay sa kanyang tarot cards. Ang card of death ang nakita niya. May mamamatay daw.








0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!