Google
 

Nag-report na si Selena kay Lady Elle tungkol sa mga ginagawa niyang tests kay Lyka. Isang birthday celebration ang kanilang ihahanda sa nalalapit na kaarawan ni Lyka, kung saan inaasahan nila ang pagpapalit nito ng anyo.


Upang malaman ni Lyka kung sino ang nakakaalam ng kanyang listahan, tinanong niya sa isang kasamahan doon kung sino ang nakitaan nito na may hawak ng kanyang scrapbook. Noong una ay ayaw umamin ng kanyang kasamahan, pero nang takutin niyang isusumbong ito kay Lady Elle ay inamin din nito na ipina-xerox iyon ni Noah.
Sa tuwa ni Lyka ay hinanap niya si Noah, at nagkasalubong sila sa may tapat ng elevator. Nang akmang maglalapit na ang dalawa ay biglang sumingit si Gaby at biglang hinalikan si Noah.









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!