Google
 

Nakita ni Eli ang litrato ni Joaquin na nalaglag mula sa mga gamit ni Lena. Sinabi ni Eli na ang lalaking nasa larawan na iyon ang lalaki sa kanyang panaginip. Kaya tutulungan nila Eli at Jackie si Lena na hanapin si Joaquin.


Sa hapunan naman, tuloy pa rin ang kwentuhan nila Corazon at Vanessa. Napansin ni Corazon na sila lang dalawa ang maingay sa hapag-kainan, kaya nang tanungin niya kung hindi sila nag-eenjoy sa kainan ay bumanat si Onay na may kasama kasi silang bruha kaya paano sila mag-eenjoy.

Dahil sa sinabing iyon ni Onay ay nagalit si Corazon, ngunit wala namang kumampi sa kanya maging si JB, kaya nawalan na siya ng ganang kumain. Si Vanessa, nararamdaman ang tensyon at marahil napahiya na rin ay nagpaalam nang umuwi.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!