Google
 

Sa burol ni Emil ay isang lalaki ang lumapit kay Fr. Ben. Siya daw si Leon, matalik na kaibigan ni Emil, at siya raw ang mangangalaga kay Jayjay anuman ang mangyari kay Emil dahil wala silang mga kamag-anak. Ipinakita rin niya ang mga papeles kay Fr. Ben.


Habang tumatagal ay lalong nagiging close sina Ulay (Lyka) at Jayjay (Noah). Isang gabi matapos nilang gumawa ng sulat para sa mga yumao nilang magulang, ay pinagaralan nila ang isang parang litanya ng paghiling: "Hindi sa talang nasa langit, kungdi sa buwang sumisilip. Ibigay ang hiling ng matang nakapikit".

Dahil ayaw sumama ni Jayjay, tumakas sila ni Ulay gamit ang isang balsa. Habang nasa balsa ay nagpalitan sila ng kwintas na bigay sa kanila ng kanilang mga magulang. Ngunit sa kasamaang palad ay tumaob ang balsa, at dahil dito ay nagkahiwalay sila ng landas.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!