Google
 

Dahil nagkaayos na muli sina Celine at JB, nagpakain si JB kina Onay, ang pansamantalang kumupkop kay Celine noong nagkaproblema ang dalawa. Masaya nilang pinagsaluhan ang pancit at monay.


Samantala, nagiging malinaw na ang panaginip ni Eli. Isang mama ang nakita niyang tila inililibing ang sarili sa isang hukay.


Nang lapitan niya ito, malinaw ang mukhang nakita niya, ngunit hindi niya ito kilala. Wala siyang kaalam-alam na ang lalaki sa kanyang panaginip ay si Joaquin, ang lalaking pinakahihintay at hinahanap-hanap ni Lena!
Ang mensahe ni Joaquin kay Eli ay "Dalhin mo siya sa akin, parang awa mo na dalhin mo siya sa akin...". Ngunit walang binanggit na pangalan si Joaquin.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!