Google
 

Dumating na sa Pilipinas ang anak ni Mcoy na si Gian (Matteo Guidicelli). May taglay din itong galing sa martial arts. At nagkrus na rin ang landas nila ni Lembot dahil sa larong tumbang-preso. Alam kaya nila na sila ay magkaiba ng panig?


Samantala, nagsimula na ang training ni Lembot kay Krung-krung. Pumayag na rin si Krung-krung na turuan si Lembot sa payo na rin ni Maneko Neki (sa boses ni Cristy Fermin), ang golden pusa ni Krung-krung.
Ang training ni Lembot ay mamumulot siya ng basura nang hindi gagamit ng kamay. Isang patpat lamang ang gagamitin, at paa ang ipampupulot.


Nahirapan si Lembot sa training na iyon, katunayan ay inatake pa siya ng kanyang hika. Habang siya ay inaatake ng hika, biglang nagpakita si Mcoy at naglaban sila ni Krung-krung.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!