Google
 

Isang araw habang nagdadasal si Onay sa kanilang bahay ay dumating doon si JB. Narinig ni JB ang dasal ni Onay tungkol sa kung nasaan si Celine, at sana'y magkasundo na sila ni JB. Tuwang tuwa naman si JB sa nalaman.


Samantala nagbigay na ng engagement ring si Mateo kay Corazon. Naroon ang kanang kamay ni Mateo na si Daniel. Tutol siya rito dahil alam niyang pera lamang ang habol ni Corazon kay Mateo.


Kaya naman naglakas loob siyang nagpapirma kay Corazon ng isang pre-nuptial agreement na walang habol si Corazon sa mga kayamanan ni Mateo, na ikinainsulto ni Corazon.

Nagpasama si JB kay Onay sa islang kinaroroonan ngayon ni Celine. Nagulat naman si Celine nang makita si JB.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!