Google
 

Nakita lahat ni Noah ang mga nangyari kay Lyka sa pamamagitan ng mga surveillance cameras, kaya naman naawa siya sa dalaga. Alam niya kung saan niya ito pupuntahan kapag gusto ni Lyka mapag-isa, kaya naman pinuntahan niya ito at dinamayan.


Samantala pinuntahan si Lyka ng kanyang kapatid na si Anton upang ipakita ang bahay na binili ni Anton para sa kanilang magkapatid. Nagandahan naman si Lyka sa bahay at nangakong tutulong sa mga gastusin.



Napadaan naman si Lyka sa pictorial ng kanyang ipe-present para sa Summer show ni Lady Elle, nang may naramdaman siyang kakaiba. Yun pala ay may isang ilaw na malapit nang bumagsak.


Nang bumagsak ito, mabilis na kumilos si Lyka upang iligtas ang mga kasamahan, kaya siya ang tinamaan ng bumagsak na ilaw. Mabuti na lamang at nandoon si Noah kaya nadala kaagad sa ospital si Lyka, na nagkaroon ng malay bago pa man dalhin sa ospital.








0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!