Google
 

Nagulat si Lyka nang bigla na lamang natanggal ang pinto ng CR nang binuksan niya ito. Pagdating ni Lady Elle sa CR, itinanong niya kung ano ang nararamdaman ni Lyka nang mangyari ito. Sabi ni Lyka, may kinaiinisan daw siya. Ang sagot naman ni Lady Elle ay "Hate is a powerful feeling." Lihim na natuwa si Lady Elle sa natuklasang niyang ito.


Samantala, habang nag-uusap sina Lyka at Noah ay may ginawa itong si Elton sa files ni Lyka. Binura nito ang PowerPoint presentation ng kanilang Summer Collection show!

At nang dumating ang oras na ipe-present nila ito kay Lady Elle, upang ipahiya si Lyka ay sinabi ni Elton na si Lyka ang magpe-present dahil contributions ni Lyka ang nasa presentation.

At dahil binura ni Elton ang file, hindi ito makita ni Lyka kaya naman nagalit sa kanilang dalawa si Lady Elle. Kailangan nilang gumawa ng hiwalay na presentation at idea para sa Summer Collection show.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!