Google
 

Everything is working according to plan. Hindi nga sila nagkamali, kinuha ni Manolo si Noah upang maging bodyguard ni Lady Elle nang malaman nitong na-discharge sa serbisyo si Noah. Siyempre pa ay tinanggap ni Noah ang alok na trabaho ni Manolo.


Ang hindi alam ni Noah ay iba ang pakay ng kanyang ama sa pagpapapasok nila bilang espiya sa House of Elle. Nais nilang malaman kung si Manolo ang siyang protektor ng mga taong lobo.

Samantala, dahil imbyerna nga itong si Elton (Gio Alvarez) kay Lyka, tinanggal niya ito sa kanyang posisyon bilang fashion assistant.

Kaya naman upang malibang ang sarili ay nagpunta si Lyka kasama ang kaibigan nito sa isang billards-bar.
May mga naglalaro ng billiards ang bumastos kay Lyka, buti na lamang at naroroon si Noah kaya naipagtanggol niya ito. Simula na nga kaya ito ng isang nakakakilig na samahan?






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!