Google
 

Nagpasama si Melanie kay Cynthia sa bahay umano ng kanyang mga in-laws. Gustong sumama ni Moody upang mabantayan niya si Melanie ngunit hindi pumayag ang huli.


Nag-aalala naman ang mga magulang ni Ronald sa maaaring gawin nito kay Melanie.


Nag-aalala naman sina Noel at Ceding sa pagpunta ni Melanie sa mga in-laws nito, lalo pa't kasama nito si Cynthia na wala naman sa tamang pag-iisip. Tinawagan ni Noel si Melanie upang pauwiin subalit hindi sumunod si Melanie sa kanya.







Pagpasok niya sa bahay ay walang tao. Nagulat siya dahil mga pictures niya at silang dalawa ni Robert ang nanduon sa loob ng bahay. Nang mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Ronald. Maniningil daw siya ngayon ng malaki. Binigyan siya ng P100,000 ni Melanie ngunit pinunit lang ni Ronald ang tseke at ang gusto ay isang milyon.






Read more of this article

Isinagawa na nga ni Georgia ang kanyang maitim na balak. Ipinatawag niya si Ysay upang sabihing magkakaroon na siya ng sariling show dahil sa malakas na hatak nito sa audience. Ngunit ng sinabi ni Georgia na solo show ito ni Ysay ay ayaw itong tanggapin ng huli dahil ang show ang tanging maipagmamalaki ni Mito sa kanyang ama. Binalaan siya ni Georgia na siya ay under contract at hindi maaaring tumanggi.



Samantala may inutusan ni Victoria upang manmanan ang bawat kilos ni Andrew.





Isang reach-out para sa mga nasalanta ng bagyo ang isinagawa ng network nila Mito sa pakikipagtulungan ng ibang volunteers. Napapansin ni Mito ang pananamlay ni Ysay, ngunit hindi sinabi ni Ysay ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Georgia.

Hindi inaasahan nila Jordan at Lima na magkikita sila sa reach-out na iyon. Dito ay inamin na ni Lima na mahal na niya si Jordan.







Ipinakilala ni Jordan sa kanyang kapatid na si Mito si Lima. Nakilala ni Jordan si Lima, na siya ang dalagang anak ni Victoria Amarillo.



Nalaman ni Victoria ang tungkol sa pagbili ni Andrew ng lupain sa Nueva Ecija at ang tungkol kay Ysay. Isang plano na naman ang kanyang binabalak upang mapaghigantihan ang sakit na diumano ay ibinigay nila kay Andrew.



Read more of this article

Pupuntahan na nila Patria at Bernardo si Gillian sa ospital. Kailangang makausap ni Patria si Gillian kapag nagkamalay na ito upang sabihan na huwag sasabihin kay Rose ang totoong nangyari.

Grounded naman si Andrew dahil sa pagtakas nito. Binawi sa kanya ang ATM niya at kotse. Hindi pa din niya masabi sa ama ang totoong nangyari kay Gillian.


Nagalit naman si Andrew kay Bernardo dahil sa pagpapabaya nito kay Gillian. Labis namang nasaktan si Bernardo sa ginawang iyon ni Andrew.



Paglabas ng mag-ama ng ospital ay nakita nito si Patria. Kinausap nila ito tungkol sa nangyari kay Patria at kung bakit siya nakasuot ng damit pang-hostess. Nagpasama si Mike kay Patria sa bar kung saan diumano ay ipinasok ng among pinagsisilbihan ni Gillian.




Gumawa sila ng istorya upang pagtakpan ang pagbugaw ni Patria kay Gillian, ngunit sinabihan sila ni Andrew na mga sinungaling. Nagalit si Mike kay Andrew at itinanong kung may nalalaman ba siya sa nangyari kay Gillian. Ngunit hindi na ito naikwento ni Andrew.






Pumasok na si Patria sa kwarto ni Gillian kung saan nakabantay si Rose. Pinagsabihan ni Rose si Patria sa mga kapabayaan nito kay Gillian. Habang nag-uumiyak si Patria ay unti-unting nagkakamalay na si Gillian.





Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!