Google
 

It's Pinoy Big Brother Season 2's Big Night at the Big Dome. Controversial ang season na ito dahil sa dami ng mga pangyayari sa loob ng bahay. Mula sa away ni Bea at Maricris to the Slovenian Swap, from the love teams of all the housemates to the hate triangle of Wendy, Gee-ann and Bea. Pati na ang management ng PBB ay naging controversial.

Paglabas pa lang ng bahay ng mga housemates ay party ambiance na, at vintage cars ang ginamit nilang pang convoy, one car per housemate. Taray di ba.











And as usual with ABS-CBN, grandiose na naman ang kanilang presentation. At ang laki ng mga mirror balls sa taas ng stage di ba... watch our for them... may gamit pala ang mirror ball na yan.





Syempre pa special participation si Tina Semolic, ang swap housemate from Slovenian Big Brother, dancing to the polka.



Eto ang enjoy na part. Isang spoof ng Big Four. Hindi ko kilala kung sino ang pumapel na Wendy, pero all of them are very funny and convincing. Giselle Sanchez portrays Gee-ann (eyelashes), Bea is played by Candy Pangilinan (ang taba ni Bea di ba) and Jon Santos plays Mickey (with the piercing near the lower lip).













The Big Four inside an isolation room.

Ang bawat isa ay may special visitor bago mag-announce ng winners. Kay Bea ay ang kanyang spiritual father.

Kay Gee-ann ay ang kanyang yaya.

Mommy ni Wendy.

Brother ni Mickey.



4th Big Placer lang si Gee-ann.









3rd Big Placer si Wendy. Dapat pang 4th ito e... Sabagay katakut-takot na batikos naman ang aabutin niya sa labas ng bahay.




Isang peace sign ang minuwestra ni Wendy pagkalabas niya, pero isang dumadagundong na "Boo" ang maririnig mo sa Araneta Coliseum. Ang kapatin naman nitong lalaki, nag-angas pa. Hay naku. Anyways sinabi ni Wendy na ok lang sa kanya magalit ang tao wag lang idadamay ang pamilya niya.






And the moment na pinakahihintay ng lahat... the announcement of 2nd Big Placer and the Big Winner.



Si Mickey ang 2nd Big Placer which makes Beatriz Saw Pinoy Big Brother Season 2's Big Winner.








Pero nasaan si Bea? Hindi siya lumabas sa Giant Screen katulad ng ibang Big placers... teka, bumababa ung malaking mirror ball...

Ayun naman pala... nasa loob ng malaking mirror ball ang Big Winner. Talaga naman Big Winner sa loob ng Big Mirror Ball at the Big Dome. Sobra.








And to wrap up this season is the housemates dancing the Pinoy Big Brother theme song. Well, till next season!




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!